Si Roco Nacino ay naging bahagi ng 5th Season ng Starstruck na isang Kapuso artista search show. Si Roco ang tinaguriang Second Prince sa Kapuso reality show. Siya ay naging sikat na artista na patuloy na umaarte sa mga Kapuso shows. Kilala siya sa pagiging masipag  na aktor at isang magaling na modelo.

photo via nacinorocco | ig

 

Maraming babae ang nabighani sa angkin na karisma at makisig na pangangatawan ni Roco na maihahalintulad kay Adonis. Ang sikreto ng magandang katawan ng aktor ay ang Muay Tai Training at boxing. Pinapanatili ni Roco ang kanyang malusog na kalusugan at magandang katawan kahit siya ay abala sa kanyang showbiz career.

photo via nacinorocco | ig

Bago pa man pumasok sa pagiging actor, isa nang registered nurse si Roco. Dahilan ito para maging maingat siya pagdating sa kalusugan. Nagsumikap si Roco at nagtrabaho para sa kanyang pangarap na bahay. Nagbunga din ang pagsisipag ng aktor at naitayo na ang bahay niya sa Antipolo. Hinihintay na lamang ni Roco na matapos ang landscaping at matapos ang pagkakabit ng cctv cameras bago siya lumipat sa kanyang bahay. Nagpapatunay lamang ito na walang imposible sa taong may sipag at pagmamahal sa kanyang trabaho.

photo via nacinorocco | ig

Makikita sa litrato na malaki ang kanyang bahay at nagtataglay ng modernong disenyo. Ang disenyo ng bahay ay nababagay sa personalidad ni Roco at makisig karisma. Ayon sa post ni Roco sa kanyang Instagram account, maaari na siyang lumipat pagtapos ng electric fence at cctv. Sabi ni Roco ay pagtatrabahuhan niya pa ang mga gamit sa loob ng kanyang bahay. Nais niyang makalipat ngayong 2020.

photo via nacinorocco | ig

Pinili ni Roco ang lokasyon sa Antipolo dahil tahimik dito at malayo sa maingay na siyudad. Nais niyang makapahinga ng mabuti matapos ang nakakapagod na schedule ng taping at shooting. Ang 32 taong gulang na aktor ay mapapanuod sa Kapuso show na Descendants of the Sun, na isang Philippine Adaptation ng sikat na Korean Drama.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here