Isa sa mga mahusay na aktres sa industriya ng showbiz sa bansa ay si Anne Roxanne Jordan Barcelo, o mas kilala sa tawag na Roxanne Barcelo o Roxee B. Siya ay sumikat bilang aktres. Modelo at singer. Sa katunayan, isa siya sa mga naging Grand Champions ng Celebrity Editions ng Tawag ng Tanghalan sa It’s Showtime.

At dahil nga nawalan din ng trabaho at mga proyekto dahil sa pagsasara ng ABS-CBN Corp., pinasok nadin ng aktres ang vlogging, kung saan giliw na giliw ang mga fans nito at followers dahil sa kanyang nakakatawang personalidad.

Sa isang vlog ni Roxanne, ipinakita nito ang kanyang naipundar na condominium na bunga umano ng kanyang pagsusumikap at sa tulong na din ng kanyang mga supporters. “Thanks to you, mga Badidap, and the power of hard work and claiming it started from the bottom, now we’re here! Started fresh, mas pina-fresh pa”, wika nito sa pambungad na mensahe sa kanyang video.

Mapapansin na maraming mga mamahaling kagamitan ang naipundar ng aktres sa loob ng kanyang condo. Nariyan sa entrance pagkapasok sa loob ng unit nito ang napakalaking orasan na mamahalin. Marami din syang mga kagamitan sa kusina, kompletong utensils, at gamit sa pagluluto.

Mapapansin din na napaka-organized nito sa pag-aayos ng mga kagamitan. Ipinasilip nya pati narin ang laman ng kanyang refrigerator. Punong-puno ito ng mga pagkain at mga sangkap sa pagluluto. Ibinahagi din ng aktres na hindi na umano ito kumakain ng white rice at binibigyang halaga ang pagkain ng iba pang mga grains, seeds, at oats.

Ipinasilip naman ng aktres ang kanyang kwarto kung saan paborito nitong tambayan ang kanyang malawak na window sill kung saan doon daw ito nagpapalipas ng oras kapag ito ay may mga malalim na iniisip o kaya ay nag e-emote.

 

Matagal na din na panahon ang iginugol ng aktres sa pagtatrabaho sa showbiz dahil nagsimula na ito noong 13 taon pa lamang. Kaya’t ganun na lamang ang kanyang pasasalamat sa kanyang mga narrating at nakamit sa buhay.

“Nagpapasalamat talaga ako sa araw-araw.Lahat ng maliliit na bagay, Malaki, pinapasalamat ko siya. As in, nag-tathank you ako sa Creator ko na this is not out of privilege, alam nyo yan”, banggit pa ni Roxanne.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here