Kung napanood niyo dati ang 2nd season ng Starstruck sa GMA Network ay malamang kilala niyo si Rhiza Ann Cenon Simbulan, o mas sikat bilang Ryza Cenon. Siya ang itinanghal na Ultimate Female Survivor sa naturang kompetisyon. Isa rin siyang aktres, dancer, model at painter.

Photo credit to Ryza Cenon | Instagram

Nitong nakaraang buwan lang ay ipinahayag ng aktres na siya ay limang buwan nang buntis sa kanilang first baby ng kanyang cinematographer boyfriend na si Miguel Antonio Cruz. Kamakailan lang rin ay ibinunyag ni Ryza sa kanyang Instagram na gusto niyang ibahagi ang kanyang bagong journey.

Photo credit to Ryza Cenon | Instagram

Nitong Agosto ay ni-launch ng aktres ang kanyang bagong Youtube channel at pinangalanang “Real Ryza Cenon. Sa kanyang pinakaunang youtube vlog, naisipan ng aktres na bigyan ng isang “virtual tour” ang kanyang mga fans sa kanyang bahay. Ayon sa kanya, gusto niyang ibahagi ang kanyang journey kasama ang kanyang boyfriend na si Miguel, sa kanilang pagiging magulang.

Ayon sa aktres ay ito palang ang unang pagkakataon na magsasama sila ng kaniyang boyfriend si Miguel Antonio Cruz sa iisang bahay. Sinabi niya rin na pansamantala lang nilang nirerentahan ang naturang bahay sapagka’t may plano rin silang magpatayo ng kanilang sariling bahay.

Unang ipinakita ng aktres ang kanilang living room at sumunod naman ay ang kanilang kitchen. Ayon sa aktres, pabiritong parte ng bahay nito ang kusina sa kadahilanang siya ay mahilig magluto. Bukod sa living room at kitchen, pinakita rin ng aktres ang maid’s room at dirty kitchen na matatagpuan din sa first floor ng kanilang bahay.

Sunod namang pumunta si Ryza sa second floor ng kanilang bahay at makikita rin sa video na hirap ang aktres sa pag-akyat sa hagdan sa kadahilanang siya ay buntis. Ganon pa man, masaya pa din niyang ipinresenta ang kanilang stock room, guest room, mini-library ni Miguel, ang kanilang walk-in closet, ang master’s bedroom, ang balcony, at ang magiging kwarto ng kanilang soon-to-be born baby.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ms. Ryza Cenon (@iamryzacenon) on

Sa huling bahagi ng video, sinabi ni Ryza na “okay na okay” para sa kanilang baby ang lugar sapagka’t ito ay tahimik at napaka aliwalas ang paligid.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here