Ang nasaksihan natin noong mga nakaraang araw ay talaga namang ikinalulungkot ng lahat dahil nga sa balitang ipinahinto muna ang operasyon ng ABS-CBN sa Television at Radio alinsunod sa kautosan ng National Telecommunications Commission (NTC).

Nahinto ang operasyon ng nasabing Network dahil sa kanilang unrenewed franchise gayunpaman, ay hindi naman nagpatinag ang nasabing network dahil businesses usual parin ang kanilang pagbabalita sa pamamagitan ng YouTube at iba pang social media sites.

Gamit na gamit nga ngayon ng mga Kapamilya personalities ang kani-kanilang social media platforms para ilabas ang kanilang hinaing o nararamdaman towards sa shutdown of their company in the middle of the pandemic we are facing today.

Ang ibang mga Kapamilya celebrities ay galit na galit sa mga tao at gobyerno gaya na lang nila Coco Martin, Kim Chiu, Korina Sanchez, Zanjoe Marudo, Angelica Panganiban, Angel Locsin at marami pang iba.

Ang noo’y mga maamong personalidad sa TV ay tila mga tigre ngayon na tinitira ang mga iba at minumura pa nga ating gobyerno.

Sa kabila ng galit na inilabas ng ating Kapamilya celebrities sa ating administrasyon ngayon ay ilang celebrities naman ang pinuri ng mga Netizens dahil sa pagiging kalmado nila sa sitwasyon, perfect example ay sina Katherine Bernardo, Toni Gonzaga at Sarah Geronimo sa pamamagitan ng hindi nila pagsawsaw sa isyu ng ABS-CBN with the government.

Kilala natin si Sarah na walang personal social media account dahil ang mga ito ay ginagamit lang niya para i-promote ang kanyang mga projects at endorsements.

But this time, sa kauna-unahang pagkakataon Sarah posted a very short message sa kanyang Twitter account upang magpakita ng suporta sa kanyang Network kung saan itinuturing siyang ‘One of the biggest stars’.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here