Isa sa mga pinakasikat at pinakamayamang artista sa bansa ay si Sharon Cuneta. Kaya naman binansagan itong Mega Star sa showbiz industry.

Umabot na ng apat na dekada ang kanyang karera na nagsimula pa noong 1978 hanggang sa kasalukuyan. Bumida sa mahigit 50 pelikula, mga teleserye, mahigit 40 albums na ang nairecord bilang isang singer.

Naparangalan at kinilala si Sharon Cuneta sa larangan ng pag arte, ilang beses syang naging Box Office Queen, Ms. RP Movies, Outstanding Achievement by a Female Recording Artist, at Film Actress of the Year.

Sa itinagal ng kanyang karera sa showbiz at sa kanyang katanyagan, malaki ang naipundar ng aktres. Siya ngayon ay may net worth na umaabot ng $10 million dollars, isa sa pinakamayamang artista sa bansa.

Samantala, sa kanyang latest vlog, ipinakita ng aktres ang kanyang collection ng mga vintage at mamahaling mga relo. “Yeah, I’m a big watch collector. Guilty, guilty.” wika nito.

Unang ipinakita nito ang napakatagal nang relo na pagmamay-ari pa ng kanyang ina na binigay umano ng kanyang ama. Ito ay isang Omega Watch 1950. “Noong nasira po, pinilit kong magpahanap ng face niya, ‘yung dial niya. Wala na pong mahanap. But we were able to find a Rolex na kapalit.” banggit ng aktres.

Mayroon din syang 1970’s Corum watch na bigay pa umano sa kanya noong sya ay nasa elementarya pa lamang. “[This is] the very first watch that my father gave me, and he didn’t tell me it was precious… He gave this to me when I was in fourth grade and it is a Corum, a solid gold Corum with a diamond in each corner,” pagkukwento ng aktres.  “When I brought this to Zurich when I had my concert tour in Europe, which was in 2011 or 12, I think, I wanted to have it refurbished kasi luma na siya… Sabi nila don’t touch it because they don’t make it like this anymore. So iba ang craftsmanship na pumasok dito,” dagdag pa ng aktres.

Ipinakita ng aktres ang watch collection hindi upang ipagmayabang ang mga ito ngunit dahil umano ay request ito ng mga Sharonians. At sa kanya pang pagbabahagi, ipinakita pa nya ang ilan pa sa kanyang mga paboritong relo na galing pa sa kanyang ina.

Ilan pa sa mga ipinakitang relo ay ang 1950s vintage Rolex, 1970s Corum, vintage 1950s Girard-Perregaux, Ballon Bleu de Cartier, at ilan pang personal Rolex collection.

Mayroon umanong basher sa kanyang IG noong nagpost sya ng isang Rolex na relo kaya minabuti nyang ipasilip ang kanyang mga “sentimental pieces”.

“Well, this is my collection, and part of it, and that not to brag, that’s the truth, and that’s my life, and so I’ve shown you some sentimental pieces and why they’re important and some just because I love them. So I hope you enjoyed that,” ani Sharon.

Panuorin ang kanyang buong vlog at mamangha sa kanyang napakamahal na mga relo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here