Sa taong ito marami sa ating sikat na iniidolo ang nagkaroon ng supling at ang iba naman ay magkakaroon pa lamang. Tulad na lamang nitong si Solenn Heussaff at Anne Curtis na nagsilang na, nang kanilang mga sanggol at kamakailan nga itong si Coleen Garcia. Ang pinakahuli naman ay isang Kapuso aktres.

Ang Starstruck survivor at Kapuso Network actress na si Sheena Halili ay inihayag na siya ay 13 linggong buntis. Ito ang unang anak nila ng kanyang asawang si Jeron Manzanero.
Sa Instagram post ni Sheena, ibinahagi ng aktres ang isang larawan ng kanyang sarili na may itsurang isang baby bump at may kalakip na caption: “At tatlo na tayo! # 13weeks ”

Inihayag ng Kapuso actress na ang kanyang pagbubuntis ay naganap sa gitna ng pandemya at ilang linggo nakalipas pagkatapos ng kanyang kasal kay si Jeron. Bakas din sa larawan ng aktres ang hindi maikubling kaligayahan. Sino ba naman ang hindi sasaya sa blessing na mabigyan ng anak ang isang mag-asawa.
View this post on Instagram
Sina Sheena at Jeron ay nagpakasal sa Blue Leaf Events Place sa Quezon City noong Pebrero 23 ng taong kasalukuyan. Naging usap-usapan din ang kasalang ito dahil matagal din hindi napapabalitang may lovelife ang aktres.

Kabilang sa mga dumalo sa nasabing pagtitipon at tumayo bilang sponsor ay ang mga kaibigang celebrity ng mag-asawa, kasama ang aktres na si Connie Reyes at anak na si Pasig Mayor Vico Sotto, Jennylyn Mercado, Dennis Trillo, Camille Prats, Julius Babao, Christine Babao, Dingdong Dantes, Marian Rivera, at Regine Velasquez.

Umani ng maraming pagbati ang pagpapahayag na ito ni Sheena, kaya naman ang mga netizens at kanyang fans ay maligaya sa panibagong yugto ng buhay ng aktres.