Alam naman nating lahat na ang pag-aartista ay hindi panghabambuhay, maaring sikat ka ngayon bukas hindi na. Kaya naman marami ang artistang habang malakas pa silang kumita sa kasalukuyang trabaho nila ay nagtatayo na rin ng sariling negosyo para kung sakaling dumating man ang panahon na wala na sila gaanong proyekto sa showbiz mayroon silang kabuhayan.

Nakakatuwang isipin na ang ilan sa kanila ay nakakapagisip ng ganitong bagay para ihanda ang kanilang kinabukasan lalo na ang batang artista na hindi mo akalain sa kanila pala ang mga negosyong mababanggit. Narito ang ilan sa mga showbiz personalities na bukod sa pag-arte ay isa ring negosyante.

Anne Curtis, Karylle at Yael Yuzon

 

Ang tatlong nabanggit na artista ay nagmamay-ari ng isang KTV, tinawag itong Rockstar KTV na matatagpuan sa SM Aura malapit sa BGC.

 

Ang nasabing KTV ay may labinlimang tema kung saan maaari kang mamili ng temang naaayon sa iyong panlasa. Kung mahilig ka naman kumanta at nasa lugar ka ng BGC maaring isa ito sa magandang puntahan. Narito nga pala ang ilan room design nito.

Piolo Pascual

Isa sa tinagurang heartrob sa kanyang henerasyon ay isa na rin syang producer kung saan siya ang namamahala ng Spring Films, isang production outfit. Under nito ang Kimmy Dora: Kambal sa Kiyeme movie na pumatok din sa takilya.

Kim Chui

 

Tila hindi na mapigil ang pagyabong ng karera ng dating PBB Housemates na si Kim Chui, Siya rin ang owner ng bridal botique sa Cubao na Adorata Weddings.

Willie Revillame

 

 

TV host Kuya Wil ay CEO ng WBR Entertainment Productions at may 5 Star hotel sa Tagaytay (ito ata yung dati nyang malapalasyong bahay na nais niyang i-open in public).

Vice Ganda

 

The unkabogable kapamilya artist Vice Ganda ay may-ari ng make-up brands na Vice Cosmetics, isa din siya sa share holder ng ilang mga bar sa Manila. Ilan sa mga ito ay ang District 8 resto at Valkyrie.

Jennylyn Mercado

Fit and Form Club ay isang salon, spa at botique at Chunky Dough ay online cookie business ng Kapuso Actress.

Gabby and Geoff Eigenmann

The Stockpile All Day Diner and Bar ay pag-mamayari ng mga Eigenmann kung saan matatagpuan ito sa Ortigas.

Alden Richards at Maine Mendoza

 

 

Kung magagawi naman kayo sa Tagaytay City at Tomas Morato nariyan nakatayo ang Concha’s Garden Cafe na pinamamahalaan ng Pambansang Bae Alden Richards. Tulad ni Maine Mendoza may naumpisahan na rin siyang ilang Mc’ Donalds branches sa South.

Marian Rivera at Ding Dong Dantes

 

Flora Vida by Marian ay isang flower shop na pagmamay-ari ng Kapuso aktres Marian Rivera. Ang kanyang asawa naman na si Dingdong ay may production company sa pangalang AgostoDos Pictures.

Toni Gonzaga-Soriano and Alex Gonzaga

 

Kung mahilig ka naman sa milktea ay nakikita mo sa ilang mga establisment ang Happy Cup, ang magkapatid na Gonzaga ang may-ari nito.

Oyo Sotto and Kristine Hermosa

 

Ang nabanggit na mag-asawa ay may negosyo ding kapehan bukod sa kanilang bike shop. Ang K’s Cafe at Kona Bikeshop ay pinamumunuan nila.

Miguel Tanfelix

 

Original Pinoy Milk Tea ay pagmamay-ari ng Kapuso aktor kung saan matatagpuan ito sa Cavite.

Judy Ann and Ryan Agoncillo

Angrydobo Restaurant ay makikita sa Taft sa harap ng De La Salle University, ang nasabing resto ay may concept na hango sa kanilang pag-aaway noong 2005 bukod sa alam naman natin na si Juday ay mahilig magluto.

Michael V.

 

Mic Test Entertainment production company kung saan ang kanyang asawa ang katuwang niyang namamahala dito.

Bea Binene

 

Kapuso aktres na si Bea ang nagmamay-ari ng Mix & Brew Coffee kung saan meron itong stall branch sa SM Megamall.

Marvin Agustin

 

Sumosam Group of Restaurants ay isa kasamang nagtayo ang nasabing aktor, ito ngayon ay may iba’t-ibang restaurant sa ating bansa kung saan mayroon na itong 11 restaurants and 47 branches.

Mainam talaga makapagpatayo ng ibang pagkakakitaan dahil ang showbiz ay hindi panghambuhay.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here