Marami sa ating mga iniidolo ay hindi naman talaga lumaki sa pag-artista, ang iba naman ay artista na nalinya sa larangan ng edukasyon. Alam naman natin ang mga guro ay isang mahalagang bahagi ng ating lipunan. Sa pagdiriwang nang teachers month mainam rin na ating alalahanin ang ilan sa mga iniidolo natin ay naging bahagi ng pagtuturo bago pa man nalinya sa showbiz. Narito ang ilan sa kanila;

Ruby Rodriguez

Maraming siguro hindi nakaalam na ang mainstay host ng Eat Bulaga na si Ruby ay dating pre-school teacher bago pa man naging bahagi ng ilang programa sa Kapamilya network. Nang maglaon sa dami ng proyekto nito bilang artista at napasama pa nga sa sitcom na Okay Ka Fairy Ko, agad itong nag desisyon na ipagpatuloy na lamang ang pag-arte.

Isabelle Daza

Imahe mula sa IG ni Isabelle Daza
Imahe mula sa IG ni Isabelle Daza

Anak ng batikang aktres at Miss Universe Gloria Diaz ay isa rin pa lang guro. Nagtapos si teacher Isabelle sa De La Salle University (DLSU) sa kursong Early Childhood Education. Ngayon ay isa na syang ina tiyak na magagamit niya sa kanyang mga anak ang dati niyang propesyon.

Camille Prats

Ang dating Child Star at gumanap na Princess Sarah ng Pilipinas ay ngayon isa ng directress sa kanilang sariling paaralan. Lingid sa kaalaman ng karamihan si Camille ay nag-aral din sa Amerika ng Montessori Course. Sa ngayon ang nasabing paaralan na Divine Angels Montessori of Cainta ay kanyang pinamumunuan katuwang ang kanyang pamilya.

Patricia Tumulak

Nagtapos ng Bachelor of Science in Child Development and Education Minor in Special Education ang dating dabarkads host ng longest running noontime show na Eat Bulaga, naging bahagi din sya ng Wowowin bilang co-host ni Willie Revillame. Kahit na ito ay ganap na artista na minabuti niyang magtayo ng ilang mga programa kung saan makakapaghatid edukasyon sa iba’t-ibang lugar. Katwiran ng Kapuso aktres ay mahal nya ang pagtuturo at niyang malayo dito.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here