Halos lahat ng bansa ngayon ay dumadanas ng krisis, epekto ng pandemic na ating nararanasan. Isang buwan na mahigit simula ng ideklara ng ating gobyerno ang Enhance Community Quarantine upang kahit papaano malabanan natin ang pagkalat ng epidemyang kumakalat.

Kung tayong simpleng mamamayan ay may kanya kanyang ginagawa upang makapaglibang. Ganun din ang ating mga paboritong artista na kung saan nasa kani-kanilang lugar o probinsya. Halina silipin natin ang kanilang buhay probinsya sa gitna ng umiiral na Quarantine sa ating bansa.

Andi Eigenmann


Alam naman natin nasa Siargao si Andi Eigenmann kasama ang kanyang anak na si Lilo at partner na si Philmar Alipayo. Samantala, ang anak naman nitong si Elle nasa Maynila. Labis ngayon na hinahangaan si Andi ng kanyang mga tagahanga sa kanyang masayang buhay.

Myline Dizon 


Masayang namamalagi si Myline Dizon sa kanyang bahay sa Silang, Cavite at inaasikaso ang kanyang mga tanim na gulay. Mainam ang mga gulay ngayon umiiral na ECQ upang mapalakas ang ating resitensya.

Glaiza De Castro


Samantalang ang kapuso aktres na si Glaiza masayang ibinahagi ang kanyang buhay probinsysa sa kayang Instagram account kung saan naglalaba pa ito. Sa kasalukuyan ang aktres ay nasa Beler kasama ang kanyang pamilya at abala sa gawaing bahay.

Piolo Pascual


Namamalagi naman ang hunk actor nasi Papa P sa kanyang malawak na bahay bakasyunan sa Batangas kung saan natatanaw sa kanyang lugar ang lugar ng Mindoro.

Gwen Zamora and David Semerad


Ang mag-asawang Gwen at David kasama ang anak nilang si Cooper ay masaya naman sa kanilang simpleng buhay probinsya. Ang Batangas Farm ng mag-asawa ay ang kanilang lugar sa kasalukuyang ECQ.

Ellen Adarna


Matapos namana ng bakasyon ng sexy actress sa Indonesia agad itong nag-home quarantine sa kanilang bahay sa Cebu. Ginawa ito ng aktres bilang paraan na rin ng kanyang kaligtasan.

Kris Aquino


Sa gitna naman ng ECQ ang mag-iinang Josh, Bimby at Kris Aquino ay kasalukuyang namamalagi sa Puerto Galera. Napabalita pa nga na di umano kinupkop ito ni Willie Revillame ngunit mas minabuti ni Kris na magrenta na lamang ng kanilang tutuluyan.

Willie Revillame


Samantala ang walang sawang tumutulong sa ating kababayan na si Kuya Wil ay inabutan ng ECQ sa Puerto Galera. Ngunit nitong nakaraang April 13 pinayagan na itong makauwi sa tahanan nito sa Quezon City, upang ituloy narin ang kanyang pagpapasaya sa ating mga kababayan kahit na nasa kanilang bahay ito.

{source}

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here