Kadalasan sa mga babae ay mahilig sa mga sapatos, damit, at mga bags lalo na ang mga hinahangaan nating mga celebrities.

Sa latest vlog ni Kathryn Bernardo, ibinahagi nito ang ilan sa mga pinaka-paborito nyang mga designer bags. “Pumili ako ng ilan sa mga bags na usually ginagamit ko and may sentimental value sa akin”, wika ng aktres.
Ayon sa aktres, mas mahilig sya sa bags kumpara sa sapatos at mas nag-iinvest sya sa mga iyon dahil mas madalas nya umano itong gamitin kapag sya ay nagtatravel. Tini-treat din umano ng aktres ang kanyang sarili ng mga bags na gusto nya kapag may mga okasyon kagaya ng birthday, Christmas, at kung deserve naman nya ito.

Ilan sa kanyang mga ipinakitang bags ay ang kanyang pinaka unang bag, ang Louis Vuitton Speedy na kulay pula. Ayon sa aktres hindi nya alam kung bakit pula umano ang kanyang piniling unang bag. Nagbigay din sya ng tip na mas mainam kung black o white ang bilhin o mga kulay na hindi mahirap hanapan ng pares sa mga damit.

Mayroon din syang Louis Vuitton Palm Springs at Petit Malle na bigay ni Daniel Padilla sa kanyang birthday. “I like this kasi ang ganda ganda ng design nya. For me its very classy”, banggit ng aktres.
Medyo malaking bag naman ang Christian Dior Book Tote. Hindi umano mahilig sa malalaking bags si Kat ngunit exception daw ang bag na iyon dahil classic ang disenyo at convenient lalo na kapag bumibyahe.

Ang isa sa mga pinakaginagamit nya umano na bag ay ang Chanel Boy. “I got this for my 18th birthday nung nag Paris kami.” Eto yung sobrang good buy,” banggit ng aktres habang iminumungkahi din na bilhin ang ganung bag dahil sulit umano sa gastos dahil maganda ang quality ng bag.

Mayroon ding Chanel Boy Rainbow si Kathryn na bigay umano sa kanya ni Karla Estrada. “This one is super special kasi eto yung Christmas sakin ni tita Karla. Super cute nya.” Maganda ang kulay ng bag dahil mukha umano itong unicorn na marami kang maibabagay na damit kapag gamit mo iyon.

Sa kabila na kaya naman bumili ng aktres ng napakaraming bags, hindi umano sya basta-basta bumibili kapag hindi naman kailangan at hindi sya nakahingi ng suggestion sa kanyang mommy.