Maraming mga artista na sa murang edad pa lamang ay nagsimula na ang karera sa showbiz, kagaya ni Manilyn Reynes, Aiza Seguerra, Nino Muhlach at iba pa. Ilang dekada na din ang lumipas at nagkaroon na sila ng kanilang sariling mga pamilya at ang iba ay hindi na aktibo sap ag-aartista.

Samantala, naaalala nyo pa ba ang batang child star na napakabibo at napaka cute na si Ryzza Mae Dizon? Una syang nakilala sa patimpalak sa GMA sa programa ng Eat Bulaga na “Little Miss Philippines”. Noong una ay hindi sya nanalo ngunit sa kanyang pagbalik sa wild card round ay pinalad na manalo at kalaunan ay naging kampyon pa sa naturang kompetisyon noong 2012.

Dahil sa kanyang angking galing at kabibuhan, marami ang nagiliw sa kanya na at naging daan upang magtagumpay ang maraming proyektong ibinigay sa kanya.

Ilan lamang sa kanyang mga palabas ay ang Vampire ang Daddy Ko, The Ryzza Mae Show, pag-ganap sa Magpakailanman, Sunday PinaSaya, The Lola’s Beautiful Show, at pagho-host sa Eat Bulaga.

Binansagan din si Ryzza Mae na “Aling Maliit” dahil sa kanyang murang edad ay parang matanda na itong magsalita. Ito rin ang kinagigiliwan ka kanya ng masa-waring sya nga ay isang batang matanda. Tumatak din ang kanyang pinausong Chacharap Dance Craze na talagang sumikat.

Samantala, mahigit walong taon na arin ang nakalipas noong una syang nakilala bilang Little Miss Philippines, at marami na ang mga pagbabagong naganap sa buhay ng batang aktres.

Malaki ang pinagbago sa kanyang pisikal na kaanyuan. Mapapansin na tumangkad na si Ryzza Mae, pumuti at naging mas maayos na sa kanyang pananamit dahil na rin sa kanyang pagdadalaga. Sa kasalukuyan ay 15 taong gulang na ito.

Kung dati ay napaka chubby ni Ryzza Mae, ngayon any kapansin-pansin din ang pagbabago sa hubog ng kanyang katawan at makikita ito sa mga updates na kanyang binabahagi sa kanyang IG account. Hindi rin nawalan ng proyekto ang aktres at tuloy-tuloy ang kanyang pagtatrabaho at makikita sya sa Daddy’s Gurl na gumaganap bilang si Cha-Cha.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here