Sa industriya ng showbiz, hindi kumpleto ang araw ng mga Pinoy kapag walang mga palabas na nakakasakit sa tiyan at mga patawa. Kung kaya’t marami ang mga artista ang kumukumpleto sa ating mga araw dahil panandaliang napapawi nila ang ating mga kalungkutan at nakakatulong malimutan kahit sandal ang mga problema.

photo credit to ateglow | ig

Naaalala nyo pa ba si Ate Glow, ang may malaking nunal sa mukha at magaling na impersonator ng dating pangulong Gloria Macapagal Arroyo? Mula ng siya ay nakilala, naging mabenta na ang kanyang appearance at mga patawa sa telebisyon.

photo credit to ateglow | ig

Subalit pagkaraan ng ilang taon ay unti-unting nawala sa showbiz si Ate Glow, marahil ay dahil hindi narin presidente c Gloria Arroyo, o kaya’y mas mas higit pang rason.

photo credit to ateglow | ig

Tuluyan ng nilisan ng komedyante ang buhay pagpapatawa sa TV at pinili na nitong mamuhay sa London kasama ang kanyang Bristish boyfriend.

Nakilala ni Ate Glow ang kasintahan noong ito ay pumunta sa UK. Nagkainlaban at nagkarelasyon ang dalawa na humantong sa kasalan noon July 2, 2016.

photo credit to ateglow | ig

Nagkaroon ng guesting si Ate Glow sa show na Magandang Buhay at doon nya ibinahagi ang kwento ng kanya ngang gumandang buhay kasama ang asawa. Marami man umanong masasakit na dinaanan si Renee (totoong panagalan ni Ate Glow) bago niya nakilala ang asawa, nagpapasalamat ito sa pagmamahal at pagtanggap na ibinigay sa kanya.

photo credit to ateglow | ig

Ayon sa mensahe ni Mr. John Hampshire, “It’s a pleasure to call you my wife. I am so proud of you and I love you very much. We have a fantastic connection and have done since day one. We really embrace our similarities and differences, and it makes us a very strong couple together. And as always darling, I love you today, I love you tomorrow, and I love you forever.”

photo credit to ateglow | ig

Ngayon ay abala na si Renee sa pag mamanage ng kanilang online retailing business na Woodshire Wines na pag mamay-ari nilang mag asawa.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here