Nakakalula pala ang koleksyon ng mga sasakyan ni Manny Pacquiao, sabagay deserving naman ang ating pambansang kamao. Alam naman ng nating lahat ang naging buhay ng isang Manny Pacquiao bago nito narating ang rurok ng tagumpay. Kaunting balik-tanaw lamang baka may ilan pa sa inyo ang hindi nakakaalam ng istorya ni Manny.

Si Manny ay nagmula sa mahirap na pamilya, masasabi mong isang kahig isang tuka ngunit naging daan ang kahirapan at kanyang pangarap upang siya ay magsikap sa buhay. Nagtrabaho bilang kargador, kumakain lamang ng mais at kamote para maibsan ang kalam ng sikmura. Maagang nawalay sa pamilya at lumuwas ng Maynila upang makipagsapalaran sa buhay.

Kaya kung pagmamasdan mo ang yaman ng isang Manny Pacquiao tiyak na malulula ka, lalo na itong mga mamahaling sasakyan niya sa loob at labas man ng ating bansa. Kung inyong matatandaan kamakailan lamang ay binili niya rin ang kanyang anak ng sports car. Halina’t at silipin kung gaano kagaganda at kamamahal ng mga sasakyan ng ating Pambansang Kamao.

Mitsubishi Pajero

Ayon sa ilang balita ito daw ang kauna-unahang sasakyang nabili ng Filipino boxing icon noong siya ay nag-uumpisa pa lamang umusbong ang kanyang boxing career.

The Mercedes-Benz SL-Class

Ang chedeng na ito ay madalas gamitin ni Manny kung siya ay matutungo sa gym at may estimated na mahigit 3 milyon ang halaga nito.

Porsche Cayenne Turbo S

Sa mga naglabasang balita ang nasabing sasakyan ay nabili ni Manny noong talunin niya si Erik Morales sa kanilang rematch at kalaunan ipinadala niya sa Pilipinas. May presyong tumataginting na halos 8 milyon ito.

Hummer H2

Ang sasakyan naman na ito ay binili ni Manny para sa kanyang pamilya at alam ba ninyo ito ay bullet proof o hindi tinatablan ng bala. Kung inyong maitatanong ito ay nagkakahalaga ng mahigit 6 na milyon.

Ferrari 458 Italia

Minsan na rin nakitang gamit ang ganitong sasakyan, Ang halaga nito ay umaabot sa 19 milyon.

Lincoln Navigator

Mas madalas gamitin ng Senador ang Lincoln Navigator kung siya magtutungo sa gym upang mag ensayo. Ang SUV na ito ay may halagang 8 milyong piso.

M2 Cyclone 1200cc Motorcycle

Ang motor na gawa ng Harley Davidson at may halagang 2.5 milyon ay kayang binili matapos ang laban ng Senador kay Oscar Dela Hoya at Ricky Hatton.

Ilan lamang ito sa mga sasakyan ng nasabing boxing icon, kung atin napaka deserving naman talaga niya dahil ang sports na boxing at hindi lamang palakasan kung hindi ang buhay mo dito ay nakataya.
Talagang afford ng Senador ang mga sasakyang nabanggit, ikaw ba naman pinangalanan ng Forbes Magazine ng 2015 2nd highest paid athlete in the world.

Disclaimer: ang mga nabanggit na presyo ng nasabing sasakyang ay maaaring magbago. | photos: google image

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here