Kahanga-hanga ang kanilang mga prinsipyo bilang mag asawa lalong-lalo na pagdating sa pagnenegosyo.

Ipinakita nina Chito Miranda at Neri Naig ang isa sa kanilang mga investments at Negosyo – ang kanilang Miranda Rest House na matatagpuan sa Alfonso cavite.

“Ito yung FIRST business venture namin ni Chito bilang mag-asawa. FIRST family business, bwahaha! I gave in! Wais siya kase nung pumasok na sya bilang investor at partner, buo na yung lugar. Beautification at renovation nalang for some parts. Kung ako ang #WaisNaMisis, siya naman ang #MasWaisnaMister! Haha!” caption ni Neri sa kanyang IG post ng kanilang rest house.

Ayon kay Chito, napakagaling daw ni Neri sa Negosyo kaya naman noong nakita nya ang rest house ay napag-isipan nya na ring mag invest dito.

“Syempre by law, lahat naman properties hati-hati tayo. What we do sa business, may sarili akong business and investments, si Neri has her own para di magulo. I’m more conservative when it comes to business and investment at si Neri sobrang aggressive, and it works kasi may balance”, banggit ni Chito sa kanilang vlog.

Makikita sa video na Malaki ang rest house, may malapat na espasyo sa labas, mayroon din itong swimming pool at magkakaroon ng basketball court at playground.

“Sa lahat ng mga mommies, misis, o kahit hindi pa misis, na nangarap katulad ko, kapit lang! Kayang kaya yan! 5 years ago, hindi ko man akalain na matutupad isa isa ang mga pangarap ko. Pero dahil sa sipag at tyaga, pananalig sa sarili at kay God, determination at focus, matibay na support system, di impossible yan sa mga taong nangangarap”, pahayag pa ni Neri sa kanyang post.

Samantala, bukod sa pagiging fulltime mommy, si Neri din mismo ang namamahala sa kanyang mga negosyo. Ilan pa sa kanyang mga nasimulang business ay ang Neri’s Bakeshop, Neri’s Gourmet Tuyo, Neri’s Ukay-ukay, first restaurant na Neri’s Not So Secret Garden sa Tagaytay, at online shop ng mga bed linen at footwear.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here