Anthony Jesus Alarcon o mas nakilala sa pangalan na Jestoni Alarcon ay isa sa mga pinakagwapo at hinangaan na matinee idol noong 1980s hanggang 1990s.

Ang artista ay ipinanganak noong Jan 10, 1964. Nagkaroon ng maraming proyekto at pelikula ang aktor at namayagpag ang karera dahil sa angkin nitong galing sa aksyon at sa pag aarte.

Sumikat pa ito lalo dahil sa palabas na “Ang Lihim ng Golden Buddha”noong 1989, “Makapiling Kang Muli” noong 2012, at sa “Encantadia” noong 2016.

Makalipas ang ilang taon, nilisan ng aktor ang pag aartista at pinasok narin ang buhay pulitika noong taong 2000.

Naging konsehal siya ng siyudad ng Antipolo, at bise gobernador ng Probinsya ng Rizal. Sa ngayon, pangalawang termino na siyang nakaupo bilang board member ng Unang Distrito ng Rizal. Marami na rin ang naiambag na tulong sa distrito na nagustuhan at patuloy na sinosuportahan ng mga tao sa Rizal.

Nakilala naman ni Jestoni ang kanyang kabiyak ngayon na si Lizette Capili na isang dating modelo at beauty queen protege sa Los Angeles, California. Nasa 26 taon na silang mag asawa ni Jestoni at mayroon nang tatlong anak na sina Jessica, Angela at Anthony.

Hindi maikukubli na namana ng mga anak ang pagiging magaganda at gwapo dahil narin sa kanilang ama at ina na talaga naman ay mga mukha ng kagandahan.

Sa kanilang mga social media posts, makikita na talagang masaya ang pamilya na magkakasama. Maaring kilala man ang mga magulang, mapapansin parin ang pagiging simple at pribado ng mga anak at naka private din ang kanilang mga social media accounts.

Subalit hindi parin maikakaila na unti-unti nadin silang hinahangaan at sinusubaybayan ng mga tao lalo na ng mga netizens.

Tunay ngang si Jestoni at ang kanyang pamilya ay isang inspirasyon sa nakakarami sa taglay na kagandahang panlabas at panloob.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here