Si Erika Chryselle Gonzales Gancayco, o mas kilala bilang Erich Gonzalez ay isa sa mga magagaling na artista ng ABS CBN. Ngunit bukod sa pag aartista ay nahiligan din ng aktres ang pagluluto.

Sa latest YouTube video na iniupload ni Ogie Diaz sa kanyang channel, kanyang inanyayahan si Erich na magluto ng kanyang specialty at ibahagi sa mga manonood.

“Unang una sa lahat, mahilig talaga ako sa pasta. Nakapagluto na ako ng creamy carbonara sa channel ko, and this one naman hindi ko pa ito nagagawa for them” sabi ni Erich. Kaya naman ipinagluto nito si Ogie ng EG (Erich Gonzalez) Cheesy Spaghetti.

Nilagyan ng aktres ng corned beef, hotdog, bawang, sibuyas, paminta, asin, condensed milk, tomato sauce ang kanyang inihandang sauce para sa pasta.

“Pwede ka nang mag asawa, Erich. Marunong ka magluto. Sabi sa akin ni Erich earlier, happy siya, living alone, being alone.” wika ni Ogie sa aktres subalit ito ay seryoso sa kanyang pagluluto ng spaghetti. Makikita sa video na aliw na aliw na nakikipag usap ang aktres kay Ogie habang inihahanda ang spaghetti.

Nabanggit din ng aktor na mayroon naman daw saving ang aktres lalo na ngayon na lockdown din ang showbiz dahil kamakailan lamang ay hindi na napayagang umere ang ABS CBN dahil hindi nakapag renew ng franchise nito.

“Investments for real estate, buy and sell”, sabi ni Erich. Binibigyang diin na mahalaga ang magkaroon ng investment para may kabuluhan ang pera kinikita.

Habang malapit na matapos sa pagluluto si Erich, nabangit ni Ogie na napaka honest at pranka daw ito pagdating sa pagsasabi kung masarap o hindi ang pagkain, kaya naman mukhang nangamb ang aktres sa ikokomento nito sa kanyang luto.

Sa hindi inaasahan, iniluwa ng aktor ang unang subo nitong spaghetti at mubabakas sa mukha na hindi nagustuhan ang lasa ng kanyang kinain. Nagsabi pa itong putulin ang video para hindi mapahiya ang artista.

Kinabahan si Erich at bakas sa kanyang mukha na siya ay hindi natuwa sa naging reaksyon ni Ogie sa kanyang special spaghetti.

“Kasi kahit sa asawa ko, alam nya kapag hindi ako nasasarapan sa kanyang luto”, wika pa ni Ogie.

Ilang beses na din naman daw umano nakapagluto ng spaghetti ang aktres at nasarapan naman daw umano ang mga kumain.

Ngunit noong huli ay parang hindi na komportable si Erich ay tsaka sinabi ng aktor na prank lamang ang kanyang ginawa, at ito ay totoong nasarapan sa luto ni Erich habang inuubos ang isang plato ng spaghetti.

“Nagworry talaga ako mama, kasi alam mo ang gusto ko talaga iprepare natin yung gusto ng bisita”, sabi ni Erich.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here