Ilang taon na rin ang nakalipas matapos ang isyung hiwalayan ni Sunshine Cruz sa dating asawang si Cesar Montano. Matatandaang lungkot na lungkot ito at lubhang nasakatan sa paghihiwalay nila subalit ngayon ay ibang-iba na ang buhay ng aktres kasama ang bagong nagpapatibok sa kanyang puso.

Makikitang blooming at masayang-masaya na si Sunshine sa kanyang boyfriend na si Macky Mathay, isang businessman at half-brother ni Ara Mina, na naging tulay din upang magkakilala ng dalawa.

sunshine cruz | ig

Parehong hiwalay na sa dating asawa si Sunshine at si Macky subalit hindi ito naging hadlang sa kanilang relasyon na umabot na ng apat na taon at masayang kasama ang mga anak.

Si Sunshine ay may tatlong anak na bababe na sina Angelina, Samantha, Cheska. Samantala, si Macky na dating kasal kay Camille Farinas at may tatlo ding anak na sina Roan, Colin, at Charlize.

sunshine cruz | ig

Sa post ni Sunshine sa kanyang social media noong nakaraang Father’s Day, ibinati nito ang boyfriend at ipinahayag kung gaano ito nagpapasalamat.

“My Macky! Happy Father’s Day! I don’t know if thanking you is enough for the love and support you’ve been giving not just to me and your children but to my three girls and our dogs as well. Mag aapat na taon na! Napakabuti mong tao,”sabi ni Sunshine sa kanyang pagbati.

sunshine cruz | ig

Ayon sa aktres nakapabuting tao at ama ni Macky. “I couldn’t ask for more because my children are blessed to have the BEST father figure they could have. We are all blessed to be loved by you”, dagdag pa ng aktres.

Makikita sa larawan sa post ni Sunshine na magkakasama ang dalawang pamilya na pinag isa  dahil sa pagmamahal at suporta na ibinibigay ng bagong boyfriend.

sunshine cruz | ig

Tunay ang pasasalamat ng aktres at nakatagpo ito ng isang mabuting partner sa kabila ng kanyang nakaraan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here