Kamakailan lamang napabalitang nagpositibo ang batikang aktres na si Sylvia Sanchez at asawa nito sa pandemic na corona virus o Covid19. Matapos nga dalawang linggo buhat ng magpositibo ang mga ito.

Ibinahagi ni Ria Atayde ang magandang balita na negatibo na ang kanyang mga magulang sa delikadong sakit na novel corona virus. Agad naman itong ikinatuwa ng kanyang mga tagahanga.

“It has truly been overwhelming and reassuring knowing that there are so many people praying with and for us and our parents’ speedy recovery. As of today, we have been told that our parents’ lungs are finally cleared from pneumonia,” – Pahayag ni Ria Atayde.

Ilan lamang sila sa mga artistang tinamaan ng Covid19 at nakarekober sa pakikipaglaban sa nasabing delikadong sakit.

Samantala nagpahayag ng pasasalamat ang batikang aktres sa lahat ng umalalay at nag-alaga sa kanilang mag-asawa. Ayon sa kanya ang mga frontliners ang dapat hangaan at pasalamatan dahil na rin sa kanilang sakripisyo. Pagseserbisyo ng walang reklamo bagkus nakangiti pa ang mga ito.

Panoorin ang buong pahayag ng batikang aktres;

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here