Sinorpresa ni Elha Nympha ang kaniyang mga Instagram followers noong ibinahagi niya ang resulta ng kaniyang weight loss journey. Ang The Voice Kids champion ay nag-upload ng larawan niyang naka white cropped top at jeans kung saan kitang-kita ang kanyang pagpayat. Dahil dito, pinuri siya ng mga netizens sa pagiging isang ‘fitspiration’ sa mga kabataan.

Ayon sa kanya, ang nakamit na body transformation ay resulta ng kaniyang sipag at tiyaga para manatiling malusog. Wala daw madaling paraan upang makamit ang payat na pangangatawan kung hindi ang pagsunod sa diyeta at pag-eehersisyo araw-araw. Bilang inspirasyon sa maraming tao, pinangako niyang magbahagi pa tungkol dito.

“Di po tayo titigil guys (kasi) di ko pa po nare-reach goal ko. Gagawa ako vlog tomorrow about sa weight loss ko,” ani ng 16-year old na singer.

Namangha din ang kapwa niya artista sa kaniyang pagbabago. Hindi maiwasang mag komento ng singer-songwriter na si Sheryn Regis sa slimmer figure ni Elha. Sabi niya, “Wow! Sexy na baby namin.” Nagkomento din sa Nino Muhlach at tinawag si Elha, “Payat.”

Nag-ani ng mga positibong reaksyon ang mga fans ni Elha. Isa sa mga fans niya ang nagsabing, “Keep it up! Dapat talaga alagaan ang katawan at looks kasi entertainment is your bread and butter. Good job, Elha!”

Mayroon din nag komento ng kanilang pagkasorpresa, “Omg, hindi ko siya halos nakilala! Ang payat at ang ganda na niya. My gosh! Kinilig naman ako sa transformation niya, perfect for tiktok. Haha. Stay fit and pretty Elha. Dalagang dalaga na siya.” 

Sa kabila ng mga papuri, isang fan niya ang nagpaalala na huwag magpa-pressure sa pagpapaganda. “You have always looked beautiful! The pressures of body image is hard for girls and especially those who are in the limelight. Just know that your fans love you for YOU no matter your size. Just keep using that voice.”

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here