Lahat marahil ay kilala ang aktres na si Kim Chui, maaring narinig na at napanood sa TV lalo na at naging viral kumakailan lamang ang kanyang statement sa social media na “bawal lumabas” na kalaunan ay nagkaroon din ng kanta.

Si Kim ay nakilala dahil sa reality TV show na Pinoy Big Brother kung saan siya ang kauna-unahang naging big winner ng PBB Teen Edition.

Marami nang naging pelikula, teleserye, at iba pang proyekto ang aktres dahil sa angkin nitong galling sa pag arte, pag sayaw, at pinasok nadin ang pagkanta.

Si Kim ay pang apat na anak ng isang negosyanteng si William Chiu na nakatira sa Mindoro. Ang 27 taong gulang na aktres ay inalagaan at ipinalaki ng kanyang lola dahil ang hindi na nagsasama ang mga magulang nito.

Mas nakilala si Kim dahil pinasok nya ang mundo ng showbiz. Subalit hindi alam ng nakararami na mayroon siyang kapatid na maari ring maging artista kagaya nya dahil sa angkin nitong kagandahan.

Siya ay si Wendolyn Chiu o mas kilala sa palayaw na “Twinkle”. Nagtatabraho siya bilang isang flight attendant sa Philippine Airlines.

Dahil sa angking ganda, si Twinkle ay na-link narin sa ilang mga sikat at gwapong actor. Noong 2014, siya ay na-link kay James Reid, subalit ayon sa kanya ay nagkaroon lang ng misunderstanding patungkol sa issue.

Si Twinkle ay active din sa kanyang mga social media at madalas nakakapag share ng kanyang mga litrato kung saan makikita ang ganda ng kanyang mukha at hubog ng katawan dahil kailangan nya ito sa kanyang trabaho bilang FA.

Nalibot narin nito ang maraming lugar sa mundo. Maari narin kaya niyang pasukin ang mundo ng showbiz? Hindi malabong sumikat sya dahil sa angking ganda, na talaga namang parang kumikislap-kislap kagaya ng kanyang pangalang “Twinkle”. Sa tingin mo, sino ang mas maganda si Twinkle o si Kim?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here