Nag-viral ngayon sa social media ang nakakaantig damdamin para sa mga Netizens ang ipinost ni Mico Tan sa kanyang Facebook account noong June 01, ang larawan ng maglola sa tapat ng isang Mall sa Muntinlupa City. Maliit man ang kita ni Lola, nagawa parin niya paraan na mabilhan ng bagong cellphone ang kanyang apo na talaga namang magagamit nito kapag nagsimula na ang klase.

Ang cellphone nabinili ay magagamit sa pagbubukas ng school year kung saan pinag-iisipan na online classes.

Alam naman nating maraming mga magulang ngayon ang nangangamba dahil sa paparating na pasukan, na tinuturing ng Department of Education (DepEd) ngayon na isang ‘online classes’ sa pagbubukas ‘di umano ng klase ngayong darating na Agosto.

Kahit sinabi na ng DepEd na may mga printed modules na ibibigay ang mga ito para sa mga ilang mag-aaral na walang computer at internet connection, marami padin ang nag-aalinlangan sa pagiging patas nito sa pagkatuto ng mga bata.

Kaya naman may iilan sa mga magulang natin ngayon na kahit walang-wala na sa badyet sa bulsa ay gagawa at gagawa padin ng paraan upang maibigay lang ang de kalidad na edukasyon para sa kanilang mga anak.

Gaya nalang ng isang nag-viral sa social media na makikita ang maglola na handang-handa nang sumabak sa bagong paraan ng pag-aaral ng mga kabataan natin ngayon sa bansa.

Makikita sa larawan ang saya ng isang lola habang nakikita niyang ginagamit ng kanyang apo ang bagong bili niyang cellphone na galing sa pagtitinda nito ng mga iba’t ibang masustansyang gulay.

Sa Facebook post ni Mico Tan ang nakakaantig na eksenang ito ay agad niyang pinicturan gamit ang kanyang Android Phone, nangyari ito sa SM Muntinlupa.


“Kanina nasa sm munti ako nag aabang ng order. Tapos nakita ko sila, binilihan ni nanay yung apo nya ng cellphone. Tuwang tuwa yung bata e. Napaka simple lang. Ready for online class na sya hehehe. A mother’s love.” Ito ay ang saad ni Mico sa kanyang Facebook post.

Ang inakala ni Mico na mag-ina ang nakuha niyang larawan. Ngunit sa komento ng isang netizens sa kanyang post, ay apo raw pala ni lola ang bata at yun na nga nanggaling ang nabiling cellphone mula sa naipong pera sa pagtitinda ng gulay.

Dahil dito, umani nang mahigit kumulang 170k likes at 113k shares ang napaka inspirational na Facebook post ni Mico Tan.

Kaya naman maraming mga netizens naman ang napaluha at na-inspired sa ginawa ng isang lola sa kanyang apo.

Source: Mico Tan / Facebook

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here