Sa kabila ng krisis na ating kinakaharap ngayon ng buong mundo, nakakalungkot isipin na marami sa ating mga kababayan ang hindi sumusunod sa ating gobyerno. Ang mga frontliners natin na nagsisilbing bayani, ay sobrang nagsasakripisyo para lamang mailigtas ang ating buhay.

Kaya naman ng mapanood at malaman ni Willie Revillame ang mga pangyayaring ito hindi nito maiwasan bumuhos ang luha nito. Saad niya maraming frontliners ang nagbubuwis na ng buhay at hindi makapiling ang pamilya para lamang sa ating mga kababayan.

Sa gitna ng program ni Kuya Will na Tutok to Win napayuko na lamang ito at hindi na naiwasan ang pagdadalamhati, kasabay na rin nito nakiusap si Kuya Will sa ating mga kababayan na sumunod sa ating pamahalaan at huwag ng matigas ang ulo.

Dagdag pa ng butihing host na ang ginagawa niyang programa sa gitna ng umiiral Enhanced Community Quarantine ay para sa ating mga kababayan upang makatulong at makapagbigay aliw sa mga ito. Ayon pa sa kanya siya lahat ang gumagastos sa nasabing programa dahil ibinabalik niya sa ating mga kababayan ang pagmamahal nito sa kanya.

Panoorin ang buong video mula sa youtube channel ng wowowin;

Sambit pa ni Kuya Will kahit siya hindi niya makapiling ang kanyang mga anak. Kaya payo niya sa lahat ay manatili sa bahay dahil baka tumagal pa itong lockdown na ito kung lahat tayo ay hindi susunod sa pamahalaan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here