Si Wilma Doesnt ay isang Filipina comedian aktres at host. Siya ay nakilala sa pelikulang ‘Sisterakas’ taong 2012, ‘Beauty and the Beast’ taong 2015 at ‘Pinoy/Blonde’ taong 2005. Kilala ang aktres ng maraming netizens ngayon dahil sa kanyang taglay na natural beauty.

Samantala, isang proud Mommy na ngayon ang dating host at aktres na si Wilma Doesnt sa kanyang anak na dalaga na si Asiana.

Makikita sa ilang larawan sa IG Account ni Wilma ang pagkakahawig ng mag-ina, at kung gaano kaganda si Asiana tulad nalang sa kanyang Ina na may taglay ding kagandahan. Sabi pa nga ng iilan sa mga netizens na talagang nagmana ito sa Ina.

Si Asiana ang isa sa tatlong anak ni Wilma, at hindi maitatanggi na nagmana ito sa kanya, na tila bang pinagbiyak na bunga ang mag-ina. Makikita sa larawan kung gaano kaganda si Asiana, at kung gaano bumagay sa kanya ang kanyang napaka-elegante at napakagandang gown na talaga namang masasabing deserve para maging Prom Queen.

Ang gown na isinuot ni Asiana sa kanyang prom ay ginawa ng popular na designer na si Randy Ortiz. Samantala, ang nag-ayos naman ng kanyang buhok ay si Jing Monis. Ang the BLOC by Junie Sierra & Co naman ang nag make up sa kanya.

Makikita naman kay Asiana ang pagkahilig nito sa modeling na katulad ng kanyang inang modelo rin, may potential din siya na maging isang beauty queen.

Samantala, meron namang isang mensahe ang kanyang Ina na si Wilma Doesnt sa kanyang anak na si Asiana ng magdiwang ito ng kanyang kaarawan.

“Happy birthday ate Asiana…thank you for being the best ate.May God continue to shower you w/ blessing. Buti na lang talaga kamukha kita. I love you and im super proud of you. Continue to be the best person you always want to be.”

Bukod sa taglay na kagandahan ng dalaga, ilan naman sa mga hilig nito ay ang pagswimming at noong 2016 nga ay nagbunga ang mga pag-eensayo niya at nakapagkamit ito ng gold, silver at bronze award sa swimming competition.

Source: https://youtu.be/dTz_ARKGMYs

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here