Tila nga walang humpay ang bibong batang si Zia, anak ng mga primetime king and queen ng kapuso network na sina Marian Rivera at Ding Dong Dantes. Bukod nga sa overload cuteness ng batang Dantes madalas na ito makita sa mga commercial at social media kung saan nagdudulot nga ito ng goodvibes sa mga netizens.

Hindi malabong maging isang sikat na bituin ito pagdating ng tamang panahon katulad ng kanyang mga magulang. Sa papalapit na Halloween marami na namang mga tagasubaybay ang nag-aabang ng iba’t ibang kasuotan ng ating paboritong artista. Alam naman natin na tradisyon na ito pagsapit ng Halloween, kaya naman isa na sa pinaka-aabangan ay si Zia Dantes. Kaya naman ating balikan ang ilang mga nakakatuwang larawan ni Zia suot-suot ang iba’t ibang costumes.

Joker

image via marian rivera | ig

Nag-ala Joker ang itsura ni Zia suot ang kanyang cute joker suit noong nakaraan taong halloween. Talaga namang kuha nya ang itsura ng isang karakter ni Joker.

Marilyn Monroe

Sa isang programa ng kanilang eskwelahan kung saan may temang pang Hollywood, maraming humanga at nagalak sa suot ni Zia na Marilyn Monroe outfit.

Pocahontas

image via marian rivera | ig

Kung kilala ninyo si Pocahontas isang Disney Character ay nagawa din magaya ni Zia.

Jojo Siwa

image via marian rivera | ig

May pagkakahawig ba? Isinuot ni o ginaya ni Zia ang karakter ni Jojo Siwa isang kilalang personalidad sa ibang bansa lalo na sa komunidad ng YouTube.

Modern Filipiniana

Ang ganda ni Zia suot ang modern Filipiniana at talaga namang dalagang Filipina ang datingan ng batang Dantes. Samahan pa ito ng makeface na sikat na dalagang Filipina yeah pose.

Hawaiian Costume

Suot ang sikat na Hawaiian na damit at samahan pa ng sayaw, talaga namang maaliw ka sa bibong bata ito.

Space Costume

image via marian rivera | ig

Ang damit na suot ni Zia ay hango sa mga recycled materials, talaga namang sobrang effort ang ibinuhos sa pang-kalawakang kasuotan ni Zia. Ito naman ang sinuot ni Zia noong 2018 sa school program na mayroong temang pangkalawakan.

image via marian rivera | ig

Narito pa ang ilan sa mga suot ni Marian Rivera minime, na tiyak na nakapaghatid saya sa ating mga netizens.

Tiyak na marami pang pasisiyahing fans at mga netizens itong si Zia Dantes sa kanyang mga susunod pang kabibohan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here