Larawan ng proud parents na sina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo ng ibinahagi nila sa social media ang pag-susurfing ng kanilang 10-month-old na anak na si Baby Lilo. Bilang magaling na surfer, tila hindi na ramdam ni Daddy Philmar ang kaba habang nagsa-surfing sa Siargao, kasama ang napaka-cute na Baby Lilo.

Samantala, naging exciting naman at kakaiba ang isa sa mga first time moment ng anak nila Andi at Philmar, sa edad na sampung buwan ay masaya itong nakipag-surfing kasama ang kanyang Daddy.

Sa Instagram, ibinahagi ni Philmar Alipayo ang video ng kauna-unahang pagkakataon na bitbit niya ang anak sa pagsa-surf na may caption pang, “Lilo’s first surf with Papa. Soo happy! Lilo’s first surf at 10 months. Can’t wait for more surf with me.”

Makikita rin sa ibang mga larawan na tila nagpapahiwatig na ito na magiging magaling siya na surfing pagdating ng araw at mapapansin niyo rin ang confident nito pagdating sa pagbabalanse.

Sila Andi Eigenmann at Philmar Alipayo ay tahimik at masayang namumuhay sa probinsya ng Siargao kasama ang kanilang anak. Ayon pa sa isang report, nakapagpundar na sila doon ng bahay at lupa, ngunit hindi pa ito totally na natapos dahil naubosan ito ng mga materyales dahil sa lockdown.

Ang panganay naman ni Andi na si Ellie ay nasa Maynila kasama ang kanyang Ama na si Jake Ejercito.

Pero madalas din itong mag-stay sa probinsya para makapiling ang kanyang Ina at Kapatid at kapag nasa Siargao ay pag-susurfing din ang isa sa mga bonding moments ng mag-ina.

Si Philmar Alipayo ay tubong Siargao bata pa lamang ito ay mahusay na itong mag-surfing at isa sa mga pinaka-magagaling na surfer hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo. Kaya ganun na lamang ang kumpyansa ni Andi na ipagkatiwala ang kanyang anak na makigpalaro sa alon ng dagat.

Source: Celebrity Story / YouTube

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here