Tila nagbigay buhay at pag-asa para sa mga senior citizens ang pag-galing ng isang lola sa bansang Netherland, Sa edad na 101 anyos nakarekober ang nasabing pasyente sa kanyang laban sa pandemic crisis na nararanasan ng buong mundo.

Magaling na at tuluyang nakarekober ang 101 taong gulang na babae na tinamaan ng Coronavirus Disease 2019 sa Netherlands, at ayon sa ospital siya ay “a spark of hope”.

Na-admit ang babae sa Jsselland Hospital malapit sa Rotterdam sa loob ng isang linggo at kalahati dahil sa hirap nito sa paghinga at nagpositibo sa COVID-19.

Inilagay siya sa isolation at ngayon, tuluyan nang gumaling kaya pinayagan nang lumabas ng ospital. Ang centenarian na lola na namumuhay na mag-isa, ay pansamantala muna sa nursing home bago bumalik sa kanyang tahanan, pahayag ng ospital sa website.

Mag-isa ring nabubuhay ang babae.

“She is a tough lady, and it’s great to see her following the medical advice, like sneezing in her elbow and even telling me to keep proper distance,” sabi ng pulmonologist na si Sunil Ramlal.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here