Naaalala paba ninyo ang sikat na aktres noong dekada 90’s na si Nanette Medved, isa siya sa gumanap sa popular na karakter na Darna noong dekada 90. Sa nasabing karakter mas lalo siyang nakilala at tumatatak sa mga tagahanga niya at showbiz industry.

Kaya kamakailan lamang ibinahagi nito kung bakit niya nilisan ang mundo ng showbiz sa kabila ng kanyang rurok ng kasikatan ay hindi siya nagdalawang isip na sundin ang kanyang napakahirap na desisyon. Mas pinili ng aktres na manilbihan sa mga kababayan natin sa mga liblib na lugar.

Pag-amin ng dating Darna ay isa na siyang pilantropo kung saan nakakarating siya sa mga liblib na komunidad at tumutulong makapagpatayo ng mga silid-aralan dito, ayon pa sa kanya hindi niya ito pinagsisishan dahil masaya sa kanyang ginagawa at matagal na niya itong pangarap.

Halos malayong-malayo sa kinang ng showbiz ang dalawampu’t taon niyang pananahimik sa mundo ng pag-arte ngayon nasa tahimik at masaya siya sa pagtulong sa ating kababayan. Matatandaan pa nga ang huli nitong pag-ganap ay ang pelikulang Ang Dalubhasa kung saan nakasama niya dito ang hari ng pelikulang Pilipino na si Fernando Poe Jr. o FPJ.

Pahayag ng aktres “I think that it’s because I love what I do. We all kind of choose to serve in our own way and so this is the way I choose to serve and so there are no regrets to that. Plus I have an amazing family, a great life, and I get to do this really meaningful work,” dahil alam niya na masaya sa paraan ng pamumuhay na meron siya.

Isa rin pala ang aktres sa may panukalang proyekto na “Hope in a Bottle” na kung saan naghihikayat sa ating mamamayan na magbigay online sa halagang P20, at may pagkakataong makasama ang sikat na artista sa isang date. Kung ating titingnan kahanga-hanga ang kanyang ginagawa para sa ating bayan.

Mula sa karakter na Darna tungo sa totoong buhay na Bayani para sa mga taong nangangailangan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here