Si Yasmien Kurdi ay nagmula sa Kapuso talent search na “Starstruck” first season. Siya ay isa sa “Final Four” dahil sa kanyang talento sa pagkanta at kagandahan. Si Yasmien ay naging sikat na artista sa GMA 7, mang-aawit at composer ng kanyang awitin. Si Yasmien ay aktibo pa rin at umaarte sa mga telenobela ng Kapuso network.

Ang kanyang mga fans ay masaya dahil lagi nilang napapanood ang aktres sa kanyang sariling YouTube channel. Nagpost si Yasmien sa kanyang Instagram account. At makikita sa mga larawan na masaya ang aktres at ang kanyang pamilya sa pagpapatayo ng dream house para sa kanilang anak.

Ang bahay ni Yasmien ay kulay asul at nasorpresa talaga ang kanilang anak dahil sa magandang disenyo ng bahay na kahawig ng napanood sa “Frozen”. Si Ayesha ang anak ng mag-asawa na nagsasabing “Elsa’s house” ang kanilang bagong bahay.

Ang bahay ni Yasmien at kanyang asawa ay mayroong 2 palapag at nakatayo sa compound ng Muntinlupa City. Nilisan ng mag-asawa ang kanilang dating tahanan na condo unit sa Taguig noong taong 2018.

Isa si Rey, na asawa ni Yasmien, sa mga dahilan ng paglipat nila ng tahanan. Nais ni Yasmien na malapit ang kanyang asawa sa airport dahil si Rey ay isang piloto. Nais din ng aktres na magkaroon ng malawak na bakuran at mabubuting kapitbahay.

Ang gusto ng aktres ay maging “minimalist” ang bahay nila. Sa loob ng bahay ay hindi masyadong marami ang kanilang mga gamit. Nais ni Yasmien na pahalagahan na lamang ang mga mabubuong masayang alaala at maging masaya ang kanilang pagsasama sa kanilang tahanan. Nais ni Yasmien na maging masaya ang buhay ng kanilang mga magiging anak at iyon ang dream house para sa kanya.

Si Yasmien ay masaya sa nakamit niyang tagumpay. Siya ay may masayang pamilya at matagumpay na karera sa showbiz. Dapat hindi tayo tumitigil sa pagsisikap upang makamtan ang mga pangarap natin sa buhay.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here