Kung ang normal na tao ay kailangan ang malusog at magandang pangangatawan sila pa kayang mga artista. Bukod sa mukha at talento, ang magandang hubog ng katawan ang pangunahing puhunan ng ilang mga sikat na artista. Kaya naman ang ilan sa ating mga inidolo ay nakakahanga sa ganda ng hubog ng kanilang pangangatawan dahil ilan lamang sila sa mayroong sariling Gym sa loob ng kanilang tirahan. Halina’t ating kilalanin kung sino ang mga ito.

Jennylyn Mercado

Kitang-kita naman ang kaseksihan ng aktres na si Jennylyn Mercado sa kabila ng pagiging ina hindi mo maikakaila ang pag-aalaga nito sa kanyang katawan. Kaya naman kung ating titingnan parang ito ay nasa kanyang kadalagahan pa rin.

Daniel Matsunaga

Ang hunk na si Daniel ay madalas mapansin sa kanyang instagram post na nag-wowork out, at kung tatanungin ito pala ay kanyang bahay lamang kung saan may mga gym equipment dito.

Gerald Anderson

Makikita naman ang pagiging atletismo ang ex-PBB housemates at Actor-Basketball player na si Gerald Anderson kung saan sa post nito sa kanyang instagram makikitang nakaupo ito sa kanyang indoor-gym sa loob ng kanilang bahay at sa likod nito ay may set ng Dumble.

Iya Villania at Drew Arellano

Ang mag-asawang kapuso celebrity ay hindi mo aakalain na maiisip pa panatilin ang ganda ng hubog ng kanilang katawan. Si Iya ay may dalawang anak na pero ang katawan ay tila pang-dalaga habang si Drew naman sa kanyang show ay makikita ang ka-machohan nito. Dahil sa indoor-gym ng mag-asawa hindi na kailangan pang lumabas at maiwan ang kanilang anak.

Victor Consunji at Maggie Wilson

Ang nag-mamahalang sina Victor Consunji at Maggie Wilson ay makikitaan mo ng pagiging maalaga sa katawan sa mga litrato pa lang na kanilang ibinahagi sa instagram account ng mga ito halos may triathlete’s basement man cave.

Isabelle Daza at Adrien Semblat

Matapos manganak ni Isabelle, matapos ang dalawang linggo pinili nitong ibalik ang dati niyang kaseksihan kaya naman ang kanyang asawa ay nagbigay ng regalong threadmil para madagdagan pa ang barbell at ilang weight equipment nito sa bahay. Sa ngayon kita naman natin ang balik siglang hubog ng katawan ni Isabelle.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here