Malaking tulong ang pakikiisa at pag-unawa ng Meralco, Maynilad at Manila Water, sa nangyayaring krisis ng ating bansa. Ayon sa mga nasabing ahensya o kompanya kanilang palalawigin ang Due date ng pagbabayad ng mga taong bayan.

Matapos nga, ipatupad sa buong Luzon ang enhanced community quarantine, pinalawig ng Meralco, Maynilad at Manila Water nang 30 araw ang due date ng pagbabayad ng mga bayarin ng kanilang mga kostumer.

Magkakaroon ng 30-day payment extension ang Meralco para sa mga electric bill na mayroong due date mula Marso 1 hanggang Abril 14.

Ayon pa sa kumpanya, ipinagpaliban na rin muna nito ang kanilang mga maintenance activity upang tiyaking may kuryente ang lahat ng kostumer nito habang umiiral ang quarantine.

30 araw rin ang ibinigay na palugit sa pagbabayad sa water bills ng Maynilad at Manila Water sa mga kostumer nitong mayroong due date na pasok sa quarantine period o kaya naman mula Marso 15 hanggang Abril 14.

Dagdag ang 30-day extension sa normal na 60-day grace period bago matanggap ng isang kostumer ang disconnection notice, ani Maynilad.

Giit ng dalawang water concessionnaires, sa mga nagnanais magbayad ng kanilang water bills, maaaring gamitin ang online banking at iba pang paraan ng onlinepayment kagaya ng GCash at PayMaya.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here