Hindi naman batid sa karamihan na ang mga sikat na personalidad o mga hinahangaan nating artista ay napapanatili nilang bata ang kanilang mga sarili dahilan na rin ito ay kailangan sa kanilang trabaho bilang artista. Kadalasan dapat mukha silang fresh pagharap sa kamera o sa kanilang mga tagahanga dagdag pa ang mga produktong kanilang iniendorso.

Kaya naman halina’t tingnan natin ang mga sikat na artista na animo’y kapatid lamang ang kanilang mga anak kung titingnan ito.

Gretchen Baretto

Sa paglipas ng panahon halos tila hindi pa rin kumukupas ang kagandahan ni Gretchen Baretto. Kung ating titingnan dalaga na ang anak nito na si Dominique Cojuangco anak nila ng kanyang common-law-husband na si Tony Boy.

Jean Garcia

Simula noon hanggang ngayon fresh pa rin ang aktres na si Jean Garcia kahit na may apo na ito sa kanyang anak na si Jennica napapanatili pa rin nito ang kagandahan.

Aubrey Miles

Ang dating aktres na may panganay na anak na lalaki na si Maurie sa dati nitong kasintahan bago pa man napangasawa si Troy Montero. Tila ganun pa rin ang katawan at hindi nagbago madalas makikita ang mag-ina sa kanilang Youtube channel kung saan kitang-kita mo na halos magkapatid lamang sila kung titingnan.

Ina Raymundo

Mga anak na babae ni Ina Raymundo na sina Erika, Mikaela, Annika, at Minka ay aakalain mong siya lamang ang panganay sa mga ito.

Sunshine Cruz

Sunshine Cruz at kaniyang mga anak na sina Angeline, Francheska, at Samantha ay tulad din ng kay Ina na animo’y siya ang ate sa magkakapatid.

Teresa Loyzaga

Ang binatang anak ni Teresa Loyzaga na si Diego ay ganap ng binata at sa hubog pa lamang ng katawan ng mag-ina aakalain mo lamang na sila ay magkapatid.

Donna Cruz

Si Donna Cruz ay may anak na panganay na si Belle Larrazabal at halos iisa ang hubog ng kagandahan.

Ruffa Gutierrez

Si Ruffa Gutierrez ay may mga dalagita ng anak na sina Lorin at Venice Bektas, na kung sa unang tingin ay aakalain mo magkakapatid.

Jackie Forster

Sina Andre at Kobe Paras ay matatangkad lamang ng bahagya sa kanilang ina ngunit sa itsura halos akala mo ay mga siblings lang ang mga ito.

Angelu de Leon

Si Angelu ay may look-alike na anak na si Nicole, parang kambal lamang ang itsura ng mag-ina.

Ilan lamang sila sa mga artistang tila hindi umeedad at halos mapag-usapan dahil sa mga kagandahang hindi kumukupas.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here