Madalas na napagkamalang Department of Labor and Employment (DOLE) ang Dole Food Compan. Ngunit isang netizen ang nabiyayaan nito ng 5K na halaga ng kanilang produkto.

Sa isang viral Facebook post, sinabi ng Dole na napagkamalan ng netizen na si CJ Banasihan ang kumpanya bilang DOLE nitong Marso 24 at humingi ng P5,000 ayuda sa gitna ng enhanced community sa Luzon.

Photo: CJ Banasihan

Sa halip, binigyan nila ng P5,000 halaga ng kanilang produkto ang netizen.

“He may not have gotten the money yet from the Department of Labor and Employment, but he received more than 5,000 pesos worth of our products for brightening up everyone’s day with his viral post,” ayon sa Dole.

Sa nasabing post tila humihingi ng ayuda ang isang neizens narito ang kanyang pahayag,
“Ano na?! Nasan na yung 5k namin?!” at saka muling nagpadala ng mensahe at sinabing, “Ay sorry po. Ibang Dole pala to.”

Noong nakalipas na Marso 17, sinabi ng DOLE na maglalabas ito ng P1.3-bilyong financial assistance sa 250,000 na manggagawang Pinoy na pansamantalang nawalan ng hanapbuhay dahil sa Luzon-wide enhanced community quarantine.

{source}

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here