Hindi na bago ang mga ganitong pangyayari kung minsan bigla na lamang nawawala ang sa sirkulasyon ang isang artista habang nasa rurok ito ng kasikatan. Marami ang dahilan kung bakit nangyayari ang mga bagay na ito, kung minsan ay personal na problema, pagkakasakit o kaya ang pag-babagong buhay kapiling ang pamilya.

Kunsabagay hindi naman maiiwasan kung minsan dahil sa huli anuman ang kasikatan mo sa mundo ng showbiz ay hindi nito mapapalitan ang tunay na kaligayahang nahanap mo. Mas pipiliin mo pa rin kung ano talaga ang makapagpasaya sa’yo, kung ito ay matatagpuan mo naman sa labas ng showbiz bakit hindi ito ang pipiliin mo.

Kaya kilalanin natin ang mga artistang nasa rurok ng kanilang kasikatan ngunit mas pinili ang kanilang pamilya.

Christina Gonzalez

Ang aktres na may palayaw na Kring-kring ay nilisan ang showbiz sa kabila ng kanyang kasikatan noong 90’s, bago nito pasukin ang politika siya ay isang full-time sa kanyang mga anak kay Alfred Romualdez na kanyang pinakasalan noong 1998.

Mikee Cojuangco

Si Mikee ay galing sa kilalang angkan at isang sikat ng atleta noong 90’s ngunit ng ito makasal sa kanyang asawa na si Dudot Jaworski noong 1999, mas pinili nitong manahimik sa kinang ng kamera. Ngayon ay isa na syang full time mom sa kanyang tatlong anak na lalake.

Nanette Medved-Po

Ang tinaguriang Darna ng 90’s na si Nanette Medved ay madalas na maging leading lady sa pelikula ngunit mas napili niyang sundin ang kanyang puso at businessman na si Christopher Po in South Africa. Sa ngayon siya ay may dalawang anak at founder ng Hope in a Bottle kung saan tumutulong siya sa pagpapatayo ng mga paaralan sa mga liblib na lugar sa ating bansa.

Rica Peralejo

Ang isa sa AngTV kids member na ating kinalakihan noong 90’s na si Rica ay nagpatuloy sa pag-aartista hanggang sa magdalaga at tumanggap ng matured role. Biglang nawala sa eksena ang dahilan mas pinili niya ang mag-pamilya. Siya ay kinasal sa isang Christian pastor na si Joseph Bonifacio in 2010.

Donna Cruz

Kung inyong matatandaan si Dona Cruz mula sa angkan ng mga artista at kilala sa mga love story role. Sumikat sa kanyang mga awitin noong 90’s ngunit piniling manirahan sa Cebu kasama ang asawa at bumuo ng pamilya.

Iwa Moto

Ang dating starstruck participant at kilala sa mga kontrabida roles, ay nilisan ang pag-aartista matapos manganak noong 2013. Ngayon masayang namumuhay kasama ang asawa na si Pampi Lacson anak ng ating Senador Panfilo Lacson.

Vanna Garcia

Madalas gumanap sa telebisyon si Vanna, matapos magsilang ng anak noong 2007 sinubukan nitong bumalik sa showbiz ngunit kalaunan napag-isipan na lamang nito na maging isang full time mom sa tatlo niyang anak at tinapos ang pag-aaral sa kursong Interior Design.

Nikki Gil

Nakilala sa isang commercial ng softdrink brand bago umalagwa ang karera sa showbiz dahil na rin sa angking kagalingan sa pag-kanta. Nakarelasyon si Billy Crawford at matapos nga nauwi sa paghihiwalayan, unti-unti na nitong iniwan ang showbiz para sa bagong makakasama sa buhay. Kamakailan nabalitang gumanap sa isang stage play ngunit hindi pa rin matiyak kung tuluyan na siyang magbabalik showbiz.

Andi Eigenmann

Madalas pa rin naman mapag-usapan sa mundo ng showbiz si Andi, ngunit malayo na ito sa dati niyang buhay. Sa ngayon ay naninirahan na ito sa Siargao at masayang namumuhay kasama ang bago niyang pamilya.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here