Isang mahusay na TV-host at mayaman, kinikilala, lakas ng charisma at wala kanang hahanapin pang iba kapag si Willie Revillame ang iyong mapangasawa. Talagang maswerte kung maituturing ang makakapagpatibok sa puso ni Kuya Wil, lalo na ang mga babaeng pumasok sa kanyang buhay.

Isa na dito ang aktres at tinaguriang kontrabida of all time sa kanyang henerasyon na si Princess Punzalan. Ayon mismo sa report, siya ang unang napangasawa ni Kuya Wil kaya’t espesyal siya sa buhay nito.

Nagtagal man ang kanilang pagsasama ng limang taon ay ‘di naglaon ay nagkahiwalay din ang mga ito. Si Princess ay nakabase na ngayon sa United States at meron na itong bagong asawa at anak. Isa rin siyang registered nurse sa U.S. at isa sa mga magigiting na frontliner doon. Sa ngayon ay umaarte padin si Princess at nakasama pa nga sa isang Hollywood Film.

Pero kahit hiwalay na siya kay Willie Revillame ay nananatili silang magkaibigan, gayunpaman ay hindi sila nagkaroon ng anak.

Sumunod naman ang dating Beauty Queen na si Liz Almoro, siya ang pangalawang pinakasalan ni Willie sa isang civil ceremony sa Lipa, Batangas noong 2005. At agad naman itong nasundan ng church wedding noong June.

Ang kanilang halos dalawang taong pagsasama bilang mag-asawa ay nagbunga ng isang anak na lalake na si Juan Emmanuel Revillame. Pero kagaya ng una niyang karelasyon ay nagkahiwalay din sila matapos mag-file ng annulment case si Liz noong 2008, nag-file din ito ng criminal case kay Willie dahil sa paglabag nito sa anti violence against women in their child act of 2004. Pero ang kasong isinampa ni Liz ay hindi pinaburan ng korte at nadismiss lang ito.

Sa ngayon ay may-asawa narin si Liz Almoro ang dating aktor at business man na si Victor Aliwalas at meron na ding silang anak, kahit hiwalay na sila ay nananatili silang magkaibigan at ginagampanan ni Wilie ang responsibilidad sa kanilang anak.

Ang ikatlo naman ay ang kapatid ng Diamond Star Maricel Soriano na si Becbec Soriano siya lang naman ang teenage sweetheart ni Willie Revillame at bunga nilang pag-iibigan ang panganay na isa naring aktres na si Meryll Soriano.

Sa ngayon ay naninirahan si Becbec sa Japan at meron na din siyang bagong kinakasama doon. Samantala, ang kanilang panganay na anak ay nandito sa Pilipinas at nananatiling aktibo sa showbiz. Gayunpaman, nagkaroon nadin ng anak si Meryll na si Elijah Soriano-Palanca

Sumunod ang non-showbiz ni Willie na nagngangalang si Sharoon Viduya. Ayon sa report, nagkaroon sila ng isang anak na si Marimonte Shanelle Viduya-Revillame na nakabase ngayon sa Baguio City.

Gayunpaman, meron ding iba pang babae ang naugnay kay Willie Revillame.

Panoorin ang video:

Source:  DDN / YouTube

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here