Kilala ang mga Filipina na isa sa may magagandang mukha sa buong mundo. Maraming artista ang sikat dahil sa taglay nilang kagandahan. Isa si Kristine Hermosa sa mga artistang may kakaibang kagandahan. Isang sikat na aktres si Kristine noong taong 2000 hanggang 2010. Marami siyang pinagbidahan na teleserye at mga pelikula na umantig sa puso ng bawat Pilipino. Ilan sa mga kilalang pinagbidahan ng aktres ay ang “Sana’y Wala Nang Wakas”, “Pangako Sa’Yo”, at “Dahil May Isang Ikaw”. Maraming nakatambal na mga sikat at gwapong leading men si Kristine.

Ibinahagi ni Kristine sa kanyang social media account ang larawan ng ina at kasama silang magkakapatid. Makikita sa larawan ang kanyang ina na si Maria Alma Hermosa-Orille, ang kapatid na si Joshua Miguel at Kathleen. Magkamukhang-magkamukha si Kristine at ang kanyang ina na pinagmanahan niya ng kagandahan. Pareho na may maamong mukha, mestiza, at makinis na kutis si Kristine, ang kanyang ina, at maging si Kathleen.

Kahit Mommy na, napapanatili ni Kristine ang mala-diyosa niyang kagandahan at pagiging young looking. Ang sabi ng aktres ay nagmula ang kanyang ganda sa kanyang ina. Nais niyang gayahin ang ina sa pagpapalaki nito sa kanila. Nagpahinga na si Kristine sa kanyang showbiz career matapos niyang ikasal kay Oyo Boy Sotto.

Ang dalawa ay nagkaroon ng 5 na anak na sila Marvic Valentin, Kristian Daniel, Ondrea Bliss, Kaleb Hanns at ang huli ay si Victorio Isaac. Masaya si Kristine bilang isang full-time mommy at housewife. Siya ay nakita sa ilang TV commercials kasama ang kanilang mga anak. Hindi nagbigay ng pahayag ang aktres kung babalik pa siya sa pag-aartista.

Siya ay suportado ng kanyang mga fans na nakikitang masaya sa kanyang buhay pamilya. Talagang nakakagulat dahil sa kabila ng maraming taon at pagiging ganap na ina, walang kupas pa rin ang ganda ni Kristine. Siya ay nagpapasalamat sa kanyang ina na pinagmanahan ng kanyang ganda na hindi nagbabago sa paglipas ng panahon.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here