Kung minsan may nakikita tayong personalidad na kahawig ng ating iniidolong artista at kadalasan napagkakamalan nating sila mismo ito ngunit ang hindi nating alam ito pala ay kamag-anakan lamang nila o hindi kaya kapatid.

katulad na lamang nitong mga artistang ating babanggitin, sila pala ang mga kapatid ng ating mga iniidolo na may star quality factor. Heto ang ilan sa kanila.

Andrea at Kevin

GMA 7 Kapuso hot sexy actress Andrea Torres ay may kapatid na certified hunk sa katauhan ni Kevin Torres, maituturing hot daddy brother ni Andrea

Baste at Samsam

Ang mainstay ng Eat Bulaga na tinaguriang Pambansang Baby Bae na si Baste ay may kapatid na super cutie sa katauhan ni Samsam.

Lovi at Yela

Kapuso actress at anak ng hari ng pelikula, Fernando Poe Jr. FPJ na si Lovi Poe ay may half sister na manang mana sa kanyang kagandahan at kaseksihan na si Yela Tung. Ang kanilang ina ay si Rowena Moran.

Gabbi at Alex

Ang talented na GMA 7 Kapuso aktres na si Gabbi Garcia ay may kapatid na masasabi mong pang-artistahin din ang katangian, ito ay si Alex Garcia.

Gerald at Ken

Ang kamakailan lamang ay kontrobersyal actor-basketball player hunk na si Gerald Anderson ay may kapatid na halos kasing katawan niya. Ito ay si Ken Anderson na pwede-pwede na rin sa showbiz.

Isabelle at Ava

Ang anak ng dating Miss Universe na si Gloria Diaz na si Isabelle Daza ay may nakakabatang kapatid na babae na certified celebrity looks na si Ava.

Kris, Kate at Katherine

Ang sikat na kapuso aktres na kamakailan lamang ay na-hacked ang social media accounts ay may kambal na kapatid na hindi maikakaila ang kagandahan at pang-showbiz din ang dating.

Kim at Wendolyn

Ang tinaguriang Chinita Princess na si Kim Chui ay may ate na talagang pinagbiyak na bunga, ito ay si Wendolyn

Maine at Coleen

Ang Eat Bulaga mainstay host na si Maine Mendoza ay may kapatid na pang showbiz ang kagandahan. Marami na ang nakakapansin sa kapatid ni Maine na si Coleen Mendoza.

Jake and Jacob

Parang pinag-biyak na bunga at halos mapagkamalang kambal, Ito ang gwapong kapatid ni Jake na si Jacob Ejercito anak ni dating Pangulong Erap Estrada.

Nino at Angela

Ang dating child wonder na si Nino Mulach ay may magandang kapatid na babae, tiyak na pagkakaguluhan kapag ito ay pumasok sa showbiz.

Mikee at Denise

Ang batang aktres ng kapuso network na Mikee Quintos ay may kapatid na sobrang ganda, tiyak na maraming hahanga dito kay Denise Quintos kapag pumasok ito sa showbiz.

Iba talaga ang katangian ng mga kapatid ng mga nabanggit na artista, Alam mo na pagkakaguluhan ng madla at babahain ng endorsement kapag naisipan nilang sa showbizness.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here