Alam naman nating lahat na nagbabagong bihis ngayon ang Maynila simula ng mamunong Mayor ng Maynila si Isko Moreno. Kaliwa’t kanang pag-sasaayos at pag-lilinis ng lansangan sa Maynila. Dahil sa ganitong uri ng pamamalakad ni Mayor Isko Moreno hindi maikakaila namarami ang humanga kay Mayor, kadalasan sumasama pa ito sa operasyon at kahit gabi na patuloy pa rin nitong nililibot ang Maynila kasama ang alagad ng batas.

Madalas din makita si Mayor sa kanyan social media account na nag-uupdate ng kanyang pang araw-araw na gawain. Sa ganitong pagkilos ni Mayor Isko sari-saring reaksyon at komento ang kanyang tinatanggap sa netizen man o mga kilalang personalidad sa ating lipunan.

Nariyan pa nga na si President Rodrigo Duterte ang pumuri sa gawain ng actor politician, nasabi pa nga nya na bilib sya kay Isko. Ngunit hindi rin maiiwasan na ang komento ng ilan na, na sinasabing “hanggang sa una lamang daw ang Mayor at hindi daw ito magtatagal sa kanyan ginagawa”, saad naman ng iba “nagpapasikat lamang ito sa kanyang ginagawa para mapansin”.

Ngunit sambit ng Mayor ginagawa lamang nya ang kanyang trabaho para sa kanyang mga kababayan at pinaaabot nya na may gobyerno na ang Maynila, katunayan ang daming tulong ang dumagsa mula sa iba’t-ibang bansa para maibangon muli ang ganda ng Maynila.

Sa isang banda ng lumahok sa isang pagtitipon bilang speaker ang kagalang galang na Mayor may isang bata na nagtanong dito. Ang tanong ng bata kung may balak ba daw maging Presidente ng ating bansa ang butihing Mayor. Sa sagot ni Mayor maraming nadismaya ngunit pinahatid nya ang kanyang punto kung bakit hindi pa sya karapat dapat sa posisyong pang-panguluhan dahil mas nais nya munang tutukan ang pagsisilbi sa Maynila. “Kumbaga Manila Bay pa lang ang kaya niyang hawakan paano pa kaya kung West Philippine Sea na” ang puntong ito ay hindi pa sya hinog sa nasabing posisyon.

Heto pa ang sagot ni Mayor sa isang business forum kung saan sya dumalo;

“It is not in my radar,” Moreno told reporters on the sidelines of a business forum in Taguig.

“To entertain these thoughts also gives uncertainty in our direction,” he said. “I think I would rather focus, use all my available energy and some simple concept of mind sa lungsod ng Maynila.”

Moreno said he had been attending business meetings and forums not to campaign for the presidency, but to “market the city of Manila.”

“I’m happy and honored to speak before any organization. If I can market the City of Manila, why not?”

Maaaring tama nga naman si Mayor pero hindi rin natin masisisi baka kapag dumating ang tamang panahon at sa tingin nya ay hinog na sya mamuno ng isang bansa, baka sakaling magbago ang isip ni Mayor. Sambit nya naman na hindi nya iniaalis sa kanyang isipan ang ganyang mga bagay ngunit hindi pa sa ngayon.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here