Matapos ang “As She Is” challenge ni Catriona Gray, naipost nito sa kanyang instagram account ng walang make-up. Umani ito ng mga positibong reaksyon at inspirasyon sa kanyang mga tagahanga at ilan sa mga kababaihan na nawawalan ng kumpyansa sa kanilang sarili. Kaya naman ilan sa mga artista ang kumagat sa no make-up challenge katulad ni Pia Wurtzbach.

Alam naman natin na puhunan ang magandang mukha ng isang artista at nakakadagdag ang pagkakaroon ng make-up para lalo mapaganda ang mga ito. Kaya swerte na rin ang ilan sa mga sikat na artistang Pinay ang maganda pa rin ang itsura kahit wala itong make-up. Kaya ating kilalanin ang ilan sa mga may magagandang mukha sa showbiz kahit wala silang make-up.

Anne Curtis

Ang long time “Its Showtime” host na si Anne ay super ganda pa rin kahit wala itong make-up

Bea Binene

Kapuso aktres na si Bea Binene lutang pa rin ang ganda kahit walang ayos ang mukha nito.

Glaiza Castro

Larawan na tila nangingibabaw pa rin ang ganda ni Glaiza sa kanyang pag-ehersiyo.

Janine Gutierrez

Ang anak ni Lotlot De Leon at Monching ay tila walang pinagbago ang itsura may make-up man o wala.

Julia Barretto

Mula sa angkan ng mga Barretto, si Julia ay anak ni Dennis at Marjorie. Kita sa kanya ang pagka-tisay ng itsura.

Kylie Padilla

Likas pa rin ang kagandahan ni Kylie, kahit hindi na ayusan ang mukha napakaganda pa rin ng anak ni Robin Padilla.

Liza Soberano

Isa sa itinuturing na may pinakamagandang babae sa buong mundo, Kita sa larawang ito ang kanyang simpleng kagandahan na lutang pa rin kahit walang inilagay na make-up dito.

Pia Wurtzbach

Ang beauty queen aktres na si Pia ay likas ang kagandahan at lutang ang pagka Filipina type ng itsura nito.

Shenna Halili

Sa kutis pa lang ng dating starstruck survivor na si Shenna ay animo’y naka make-up pa rin ito kahit na wala.

Sunshine Cruz

Isa sa tinuturing na hot mama sa mundo ng showbiz, sa kabila ng pagkakaroon nito ng tatlong anak nanatili pa rin ang kagandahan nito.

Cristine Reyes

Ang pinapantasya at dating FHM nominee ay talaga naman sobra pa rin ang ganda sa lawarang ito.

Yassi Pressman

Ang tisay na kapamilya aktres ay may likas na kagandahan kahit wala itong make-up sa mukha.

Catriona Gray

Ang isa sa beauty queen na nagbigay ng karangalan sa ating bansa ay isa talaga naman hinahangaan sa pagiging natural nito sa kanyang katawan kahit na wala itong ayos sa kanyang mukha.

Ilan lamang sila sa maituturing may likas na kagandahan na hindi natin maikakaila, Para sa iyo sino ang pinakamaganda sa kanila o baka naman may alam kapa na artistang maganda ang mukha kahit na wala itong make-up. Ikomento lamang yan sa ibaba.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here