Kumalat at mabilis na nag-viral ang isang Facebook post na kung saan ang makikita sa larawan ang isang Frontliner na basang basa ng damit matapos nitong hubarin ang kanyang Personal Protective Equipment o PPE.

Kalakip ng lawaran may caption itong “Ito po ang hitsura ng isang health worker matapos hubarin ang PPE ng mahabang oras na trabaho pawis na pawis at walang kain makapag serbisyo lang sa kapwa. Sila po ang lubos na nagsasakripisyo mailigtas lang tayo. konting disiplina naman po sa part natin maawa po tayo sa kanila”

imahe mula kay odinggem falculan

Sa krisis na dinadanas ng ating bansa maging sa ibang panig ng mundo tila nagpapahiwatig ang larawan na ito kung paano binubuwis ng ating mahal na Frontliner ang kanilang sariling lakas at buhay para lamang mailigtas ang mga taong tinamaan ng Covid19.

imahe mula sa cnn file

Marami na rin sa ating Frontliners ang pumanaw sa nasabing sakit ngunit patuloy pa rin sila sa pagsisilbi sa ating bayan para lamang malampasan ang pandaigdigang pandemic na ating nararanasan. Ang frontliners ang lubos na nagsasakripisyo, hindi makapiling ang pamilya para lamang manatiling ligtas maging ang mga ito.

Sa nasabing viral post, umani ito maraming papuri at panalangin buhat sa mga kababayan natin. Sabi ng ilan netizens sa kanilang komento;

“God thank you for providing us those kind of people. Take care of them more. Provide them everything they need in order for them to always have a healthy mind and heart by healing those in critical pain right now. Thank you Lord” – Ela Jose

“So SAD for our heroes.. Overworked, stressed out yet day in and day out they will be doing their best to heal the sick..without complaints!! Thank you thank you Thank you!!” – Evita Rodriguez

God blessed all frontliners,give them strength help them all the times ,specially if they’re working hard for common goods of all infected in covid 19 Patient.cover them with your almighty hands oh lord .we pray through christ your son our lord amen.” – Tess Christobal

Ilan sa mga komento ay kukurot sa ating puso, Pati na rin ang kanilang panalangin para sa ating mga Frontliners. Marahil isa din na mensahe ng litratong ito ay para sa mga kababayan natin. Ang pag-iingat at pagsunod sa panukala ng ating pamahalaan ay isang ambag na rin na maituturing.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here