Maraming nasiyahan at napabilib sa Instagram post na ito ni Marian Rivera. Hindi talaga maikakaila na isa si Zia Dantes na batang personalidad na inaabangan ng karamihan.

May pinagmanahan talaga ang batang ito mula sa angking kagandahan at talento tiyak na hindi maikakaila na sa mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera nagmana ito.

photo via @marianrivera/Instagram

Sa nalalapit na Mother’s Day maagang nagpaandar ng pakulo ang batang Dantes para sa kanyang inang si Marian Rivera. Kaya naman agad itong nag trending sa social media dahil sa kakaiba nitong kasuotan.

photo via @marianrivera/Instagram

Matatandaang iba’t ibang karakter na ang nagawang gayahin ng batang ito, magmula sa joker, Marilyn Monroe, Pocahontas at marami pang iba. Sa ngayon ang kanyang napiling gayahin ay ang karakter na Darna at Dyesebel. Talaga namang pinutakte ng mga fans ang mga larawang kuha kay Zia Dantes dahil na rin sa sobrang cute ng bata.

photo via @marianrivera/Instagram

Kaugnay ng mga pose ni Zia kuhang kuha din nito ang katangian ng isang pagiging photogenic, makikitang ang mga pose niya bilang Darna animo’y isang totoong Darna. Ang Dyesebel naman na kasuotan nito ay sweet na tingnan na talaga namang bagay na bagay sa kanya.

Matatandaan na gumanap na rin bilang Darna ang kanyang ina noong dalaga pa ito, at isa rin ito sa tumatak na karakter ni Marian Rivera. Halina tingnan ang nakaka good vibes na itsura ni Zia Dantes.

photo via @marianrivera/Instagram

Para sa mga nanay sa buong mundo batiin naman ninyo ang inyong ina nang maiparamdam natin ang kanilang halaga nila sa atin. Tularan ang batang Zia sa kanyang murang edad napapasaya na niya ang kanyang nanay.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here