Isa sa hinahangaan ngayon na aktibo sa pangangalaga ng kanyang mga kababayan ay ang Mayor ng Pasig City na si Vico Sotto, sa kabila ng bantang panganib ng nasabing epidemya hindi nito magawang pabayaan ang kanyang nasasakupan, kaya naman hindi maiwasan na purihin ito ng sambayanang Filipino tulad ni Mayor Isko Moreno at ng ibaba pang Mayor.

Agad nga na inanunsyo ng pamahalaang lungsod ng Pasig City noong Miyerkules na naghahanda ito na ipamahagi ang 400,000 mga pack ng pagkain at 8,000 bote ng vitamins sa mga residente sa gitna ng enhanced community quarantine of Luzon.

Ayon kay Mayor Vico Sotto na inihahanda niya ang re-pack ng pagkain na nabili, Ang bawat food packs na ito ay nagkakahalaga ng P397 at inaasahan na maipapamahagi sa pagtatapos ng linggo ito.

Each food pack will contain the following:

  • 3 kilograms of well-milled rice
  • 2 cans of sardines
  • 2 cans of corned tuna
  • 2 cans of corned beef
  • 2 cans of meat loaf

Ang lokal na pamahalaan ay nakatakda ring ipamahagi sa Huwebes ang unang batch ng mga vitamins na ibinibigay ng Philusa Corp, ang nasabing kompanya ay nag-alok din ng 10 porsyento ng discount para sa mga taga Pasig City.

“Hindi magiging madali ang logistics nito. Wala na po tayong panahon para mag-organisa… Hihingi ang lungsod ng tulong sa mga pamahalaan pambarangay para sa distribusyon,” – pahayag ng Pasig City Mayor sa kanyang Facebook post.

Nauna nang tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko na ang bansa ay may sapat na suplay ng pagkain para sa itatagal ng quarantine.

Inatasan din ng Pangulo ang mga opisyal ng barangay na tiyakin na ang kanilang mga nasasakupan ay makakakuha ng sapat na pagkain dahil libu-libong kita ng mga manggagawa ang pansamantalang naapektuhan sa pagpapatupad ng isang mahigpit na home quarantine.

Ang buong Luzon ay nasa ilalim ng quarantine mula Marso 17 hanggang Abril 13 habang ang gobyerno ay ginagawa ang lahat para mapigilan ang pagkalat ng COVID19.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here