Sabado ng gabi, isang lalaking pasahero sa bus na nagmula sa Metro Manila ang isinailalim sa imbestigasyon matapos itong makitaan ng mga sintomas ng COVID pagdating sa Lucena City.

Ang lalaking 44-taong-gulang na pasahero at residente ng Lucena City, ay nakasakay sa Jam liner bus. Ang nasabing bus na nanggaling sa istasyon ng bus sa Taft Avenue sa Maynila ay dumating sa Lucena City Grand terminal nang alas-10 ng gabi.
Base sa lokal na awtoridad ang nasabing pasahero ay nagkaroon na ng lagnat at ay pag-ubo habang ito ay nasa biyahe.

Ang ilan sa mga pasahero ay patungo sa, Marinduque at Bondoc Peninsula.
Ayon sa mga health officer ng nasabing lungsod ang iba pang pasahero ay isasailalim sa monitoring at ilalagay sa quarantine.

Ang nasabing lalake ay nagtratrabaho daw sa Makati, samantala sa Tiaong, Quezon, ang bawat temperatura ng ng pasahero sa bus ay sinusuri. Sa lugar Sariaya, Quezon, ang mga awtoridad ay mahigpit naman na sinusuri ang mga sasakyan na nanggagaling mula sa Batangas at pagpasok sa Quezon.

 

Police koronel Audie Madrideo, Provincial director ng Quezon Province, sinabi ng mga checkpoints ay inilagay upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19. Nagsumamo siya sa publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad tungkol sa mahigpit na hakbang na ipinatupad.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here