Sa panahon natin ngayon kinakailangan nating mag-ipon ng mga pagkain para sa tinatawag na kunsomo araw-araw sa ating tahanan, pero alam naman nating lahat na hindi natin mabibili ang mga yan kung wala tayong pera. Samantala, isang ginang na taga Guimaras Province ang may nakakalungkot na sinapit dahil sa nasunog niyang bahay at naubos lahat ng kagamitan nito pati na rin ang kanyang pera na tinago.

Naglagablab ang Barangay Sta. Teresa sa bayan ng Jordan, Guimaras nito lang martes. Dahil dito marami ang nangamba na mga residente o kapitbahay sa lugar at ang dahilan ‘di umano ng sunog na ito ay nung sumabog ang main switch ng isang sari-sari store. Kaya ito ang dahilan ng pagka-sunog.

Makikita sa mga litrato ang laki ng pinsala na naidulot ng sunog mula sa isang sari-sari store, ngunit wala nang magawa ang mga nagmamay-ari ng mga bahay na nasunogan kundi tignan nalang ang kanilang mga damit, appliances at pati na rin ang kanilang mga dokumento.

Madaling sumiklab ang apoy dahil na din ito sa mga bahay na gawa lamang sa kahoy at ayon din sa isang report, na matagal nakapunta ang mga bombero sa nasabing lugar ngunit may mga residente naman na nagmamagandang loob na tumulong para maiapula ang apoy.

Ang may-ari ng mini grocery store na si Aling Merlinda sa pagkataranta mabilis itong tumakbo sa labas, pero nung nahimasmasan na siya ay tsaka lang niya naaalala na bukod sa kanyang mga kagamitan sa loob at paninda ay naiwan sa loob ng grocery ang inipon niyang pera sa loob ng mahigit apat na taon.

At ito’y tinatayang mga nasa mahigit Php300,000. Ayon sa report, tinangka pa nga raw ni Aling Merlinda na bumalik sa loob ng nasusunog niyang mini grocery ngunit hinawakan na siya ng mga tanod at sinabihan na wag na ituloy ang planong pagpasok at baka madisgrasya lang ito.

Sa panayam kay Aling Merlinda, sinabi niyang wala ‘di umano siyang nadala na kahit ano sa nakakagimbal na trahedya na kanyang naranasan. Sinabi din niya na marami sanang tao nung time na nangyari iyon ngunit wala na raw silang magagawa dahil naubusan na sila ng tubig.

Pati mga listahan ng mga taong nangungutang sa kanya na tinatayang nasa Php40,000 ay nasunog din.

“Natatandaan ko ‘yung may utang pero ‘yung amount, hindi ko na maalala.” Sabi ni Aling Merlinda sa inteview.

Ngunit, nagpapasalamat pa rin si Aling Merlinda sa trahedyang iyon dahil mabuti na lang na walang na damage o nasaktan sa kanila sa sunog.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here