Ikaw ba ay nakakaranas ng pagkalagas ng buhok? Kumakain ka rin ba ng Kimchi? Kung ganun may solusyon na ang iyong problema, Ayon sa ginawang pag-aaral ng mga eksperto sa bansang Korea ang pagkain ng Kimchi ay mabisang lunas sa pagkalagas ng buhok.

imahe mula sa rasamalaysia

Ang Kimchi ay isang tanyag na pagkain at orihinal na nagmula sa Korea, ito ay may sangkap na may pinaghalong iba’t-ibang pampalasa. Ito ay mayroon matapang na amoy at maanghang na lasa dala na rin luya, bawang at sili na sangkap nito. Heto ang kumpletong sangkap ng Kimchi pechay baguio, chili powder, toyo, bawang, sibuyas, luya at kung minsan hinahaluan pa ito ng malagkit na bigas.

imahe mula sa thekitchnn

Hindi lang sa marami ang may paborito sa pagkaing ito, alam ba ninyo na mabisa din itong panlunas sa pagkalagas ng buhok. Base ya sa ginawang pag-aaral ng mga dalubhasa sa Dankook University sa South Korea. Dagdag pa sa natuklasan ng mga dalubhasa sa kanilang pagsisiyasat, ang Kimchi rin ay nakakapag-patubo ng buhok.

imahe mula sa thehealthsite

Nagsagawa ng pagsisiyasat sa mahigit 20 kalalakihan na nagsisimula ng malagas o maging manipis ang buhok nito, pina-inom nila ito ng sabaw na gawa sa Kimchi ng dalawang beses sa isang araw, isa sa umaga at sa gabi bago matulog. Sa paglipas ng buwan, ang anit na may bihirang tubo ng buhok ay nagkaroon ng makapal na buhok mula sa 85 sentimetro naging 90 sentimetro ito sa loob lamang ng isang buwan at lumago pa ng 92 sentimetro pagkalipas ng apat na buwan.

Ang nadiskubreng solusyon na ito ay naibida sa World Journal of Men’s Health at sinasabing ligtas gamitin kumpara sa mga nabibiling pampatubo ng buhok.

source: nextshark

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here