Naniniwala ba kayo na maaaring may masamang dulot ang labis na paggamit ng Social Media tulad ng Facebook, Twitter, Instagram at iba pang social media platform. Bukod pa dyan nakakaramdam ka ba minsan ng tamlay, pagka-inis o inggit sa tuwing binubuksan ang iyong social media account sa Facebook, Twitter, Instagram, at iba pang social media platform? Ayon sa pag-aaral ng mga eksperto sa bansang United Kingdom, ang labis na paggamit ng social media ay nakakawalang oras sa paggawa ng ibang mas mahahalagang aktibidad, tulad ng pag-ehersisyo at kakulangan sa pagtulog.

image via google

Ayon pa sa pag-aaral ng mga eksperto, ito ay nagdudulot ng Psychological distress sa mga kababaihan. Dagdag pa dyan kung ikaw ay bumibisita sa iyong social media account ng tatlong beses o higit pa sa isang araw, ikaw ay sinasabing may problemang pangkaisipan. Ito ay base sa ginawang pag-aaral sa United Kingdom, sa sampung kabataan siyam dito na gumagamit ng social media at kanilang minomonitor.

image via google

Kadalasan ang mga kababaihan ang mas nakakaranas ng cyber bullying, kakulangan sa pagtulog at aktibidad ng katawan na nagdudulot ng kalungkutan’t pagkabalisa. Ayon pa sa paliwanag ng mga eksperto dapat limitahan lamang ang paggamit nito at dapat hanggang 10:00 ng gabi.

image via google

Palaging tandaan lahat ng labis ay nakakasama, hindi lamang sa social media kahit ang mga pag-lalaro o sobrang paggamit ng mga gadget.

source

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here